Chapter 36

393 7 2
                                    

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi pa nagsisink in sa akin. Natawa nalang ako sa sarili. I feel so proud. Para akong nanay na sa wakas ay nakahanap na nang boyfriend ang anak na balak ng maging matandang dalaga.

Tiningala ako sa malaki at madilim na bahay. Ako lang naman magisa rito. Dapat na yata akong masanay.

Tamad na pinasok ko ang susi sa doorknob ng bahay. Lalong dumilim ng makapasok ako roon. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw sa sala dahil papatayin ko rin naman yun mamaya.

Tuloy tuloy lang ang lakad ko at bastang humiga sa kama. Kailan kaya siya uuwi? Napabuntong hininga na lang ako.

Pinagpapalo ko si Azariah sa braso dahil napakaligalig niya ngayong araw. Buti na lamang at hindi siya pinapansin ni Orion. Change location kami ngayong araw sa bahay naman kami ni Mitch nagkakagulo.

"Yung dance steps mo! Makikita ni Orion" giling ito ng giling sa akin. Her steps are flirty parang dancer lang sa bar, sanay na ako sa kanya dahil ganoon na siya dati pa. May bata nga lang ngayon.  Ganoon din si Zephyr at Margaux ang kaibahan lang ay kumakain sila ng bananaque.

"Wala pang five seconds!" Nagmamadali si Margaux na pulutin ang nalaglag na bananaque sa sahig at tinusok ulit sa tinidor na hawak.

"Kadiri ka naman" ingos ni Zephyr

"Wala akong pambili, kaya pinapahalagahan ko. Saka biyaya to ni Lord!"  reklamo niya

Kanina ko pa rin tinititigan si Azariah, pero mukhang wala siyang balak buksan ang topic sa nangyari kagabi.

"What? Are you tired?" tanong niya sa akin pero umiling ako "Is there something bothering you? Pwede mong sabihin sa kin" hinimas na naman niya ang buhok ko

"Ikaw may gusto ka bang sabihin?" natahimik siya roon at nakangiwing ngumiti, mukhang alam na niya ang tinutukoy ko.

"Next time" tipid niyang sagot. Iniiwasan niya ang tanong ko. And that's okay.

"Magandang buhay pilipinas! Magandang ako sa umaga!" lahat kami ay napalingon sa pintuan ng may sumigaw doon.

"Alam mo Autumn kung hindi ka lang buntis, naibato ko na sayo tong tinidor" inis na si Margaux

"Sorry I'm preggy, wag kang kakain ng luto ko" pagbabanta niya pa. Binitbit ko naman ang dala niyang bayong puno iyon ng microwaveable tupperwares na may pagkain sa loob.

"Hello, kumusta kayo? Ako okay pa" inabangan niya kung sinong magsasalita pero walang pumansin. Umasim ang mukha niya "Huwag kayong kakain ng mga hinanda ko, nanggigigil ako sa inyo" malaki ang tiyan pero derederetso ito sa kusina.

"Hindi ba natin susundan?" yun agad ang tanong ko, kabuwanan na niya at mahurap siyang iwanan mag-isa.

"Hayaan mo siya, malaki na yan! Pangalawa na niya yung nasa tiyan niya" kung kanina ay bananaque ngayon ay turon na ang hawak niya. Sayaw pa rin sila ng sayaw.  Natigil lang sila ng maulinigan ang tunog ang harp ni Mitch. Ibig sabihin ay pinapatulog niya si Orion. Hindi ko na napansing bumaba pala siya.

Kala mo ay maamong tuta na naupo sa sofa ang mga ito. Kakamot kamot pa sa ulo si Zephyr. Na agad ring tumayo at hinila si Azariah.

"Bagay tong waltz! Turuan mo ako! Fast learner ako beh" tinampal pa niya ang braso ng huli

"Dapat ay kay Mitch ka nagpapaturo, walang sayaw na hindi yun alam" sabi ko, totoo naman yun hiphop at tribal dance nalang ang hindi ko pa nakikita. Pero kung usapang pangsosyalan ang sayaw ay alam na alam niya yun. Naalala ko tuloy nung nag be-belly dancing siya. Parang ahas ang katawan nito habang umaalon alon.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon