Chapter 6

619 18 0
                                    


"Today you have a lunch meeting with our new investor at Scarlet's, and at 3 pm a brief meeting with the directors of the company"

Tumango lamang ito at nagpatuloy sa pagbasa ng documents sa folder

"Mr. Greengrass, Mr. Leonardo wants to have appointment on saturday"

"No" matigas ang pagkakasabi niyon kaya hindi ko na ipinilit pa

Pasalampak akong umupo sa swivel chair na para sa akin, natapos ko na lahat ng pinapagawa nito at ito ako ngayon naiinis dahil walang ginagawa.

I miss my almonds

Pinagbubuklat ko ang ilang mga folder sa harap ko para maghanap ng gagawin pero, natapos ko na talaga lahat ng iyon

Malalaki ang mga hakbang ko para makarating sa canteen ng kompanya, mabilis na inilibot ang mata sa mga pagkaing nakahilera doon, halos lahat ay matataas sa cholesterol at carbs  hindi ko makakain iyon

Popcorn! Gustong pumalakpak ng tenga ko ng makita ang mga popcorn na inilalagay sa papel na lalagyan

"Ms. I'll pabili po ng isa"

"Anong flavor po maam"

"Salt"

Pinigilan ko ang mapangiti ng malasahan ang isang pirasong popcorn

"Tingin mo? Tatagal siya?"

"Pustahan, hindi yan lalampas ng isang linggo"

"Sige limang daan, pag wala pang 2 weeks napatalsik na yan"

Alam kong tungkol sa akin ang pinaguusapan nila pero wala akong paki-alam. Napatigil ako ng may taong nakaupo sa upuan ko ng makarating sa desk ko

"Uy! Miss secretary, long time no see" kung makapagsalita ito ay parang wala ito sa opisina ng boss niya noong isang araw

Wala naman akong balak na pansinin ito, pero napatigil ako dahil sa hawak hawak nito.

"Bakit ganyan ka makatingin? May pagnanasa ka sa almonds ko?"

"Ha?"  hindi ko naintindihan ang sinabi nito dahil ang utak ko ay lumilipad kong paano ko uumpisahan kung paano hihingin ang hawak nito

"Ako na lang ang pagnasaan mo, huwag lang to"

"Pwede bang" panimula ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak nito

"Pwedeng alin? Pwede bang pagnasaan ako? Pwedeng pwede! Sige, simulan mo na" inangat pa nito ang mga braso para ipakita ang biceps at itinaas ang tshirt para ipakita ang abs nito

"Pwede bang palit tayo? Sa akin na lang yang almonds tapos sayo na tong popcorn? Masarap 'to promise" iniabot ko ang hawak na popcorn dito, para akong batang nang-uuto sa nanay na ibigay ang gusto

"No way!" biglang tumayo ito kaya bahagyang gumulong palayo ang upuan ko, nakagat ko ang labi sa reaksyon nito, I overstep my limit, hindi ko dapat sinabi iyon.

Sino ang matinong empleyado ang makikipagbarter?

"Okay" niyakap ko ang hawak na popcorn at hinila ang upuan bago naupo. Kagat ko pa rin ang labi habang nakatalikod ako dito

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ko narinig ang mahinang halakhak nito

"I love almonds, it's my comfort food, but it seems you like it too"  hindi ko ito pinansin at sinimulan ulit buksan ang mga documents sa computer ko, kahit wala naman akong gagawin sa mga iyon

" I'll give to you"

"Talaga!" gusto kong sampalin ang sarili, ganoon na ba ako kadesperada na mahingi ang almonds na yun

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon