Chapter 29

461 13 4
                                    

Pinaglalaruan ko ang kamay ko habang nakikinig sa kwento ni Margaux. Palagi siyang nandito simula ng bumalik ang diwa ko. Ganoon dina sina Azariah at Zephyr.

"He's a great nurse. He always massage your body." bahagyang tumigil siya  "specially there" may inginuso ito sa katawan ko na hindi ko naintindihan. "Charot lang"

Hindi ko alam kong paano magrerespond sa mga sinasabi nila. Tanging tango at iling lamang ang paraan ko para magkaintindihan kami.

"Everyday we exercise your body. Para naman kapag nagising ka hindi ka mahirapan. At talagang ikaw na gaga ka! Sobrang isang taon ka natulog. Balak mo sigurong kabugin si sleeping beauty" ngumiti lamang ako sa kanila.

Nagpalinga linga ako sa kwarto ng mansion. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Mukhang nahalata naman iyon ni Margaux.

"Sinong hinahanap mo? Si Lachlan?" tumango ako "Nasa baba umiinom" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto kong magtanong pero hindi ko maibuka ang mga labi.

"Please understand him, he's been stressed out the whole year. Alam kong mahirap ang nangyari sayo at hindi ko iyon pwedeng ikumpara sa nangyari sa kanya. Halos halughugin niya ang buong pilipinas ng malaman naming nawawala ka, mahanap ka lang. Nagtulong tulong kami. Pero habang lumilipas ang araw na walang traces kong nasaan ka. Halos panghinaan na kami ng loob. Pero hindi siya sumuko. Halos isang linggo siyang walang tulog. Malapit ng bumigay ang katawan niya noon pero hindi siya sumuko. Hanggang sa makita ka namin" hindi ko na napansing umaagos ang luha ko.

"Dala na siguro ng pagaalala niya sa kalagayan mo ay nagawa niyang isugod ka sa hospital kahit may tatlong tama siya ng bala. Halos dalawang linggo rin siyang walang malay dahil maraming nawalang dugo. Ilaw ang una niyang hinanap ng magising siya. Inaalagaan ka niya kahit hindi rin maganda ang lagay niya"  uminom ito ng tubig bago nagpatuloy.

"Hindi ko alam kung paano pero napagsabay niya ang negosyo, ang laban sa korte, ang pagpaaalaga sayo at ang galit ng magulang mo. Kasi mahal ka niya. He experience anxiety due to lack of sleep and stress. We did eight sessions for him to cope up. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sayo. Sinisisi niya ang sarili niyang hindi ka niya naprotektahan. Hindi ka niya nailigtas ng maaga. Kasi kung nagawa niya iyon hindi mangyayari ito. " hinawakan niya ang kamay ko

"He is a good person at alam kong mahal na mahal ka niya. Remember our conversation. Walang epekto ang trauma mo sa kanya. Maybe because he is already inside of your heart" tinuro niya ang dibdib ko.

"Mahal ka ng lalaking iyon. Fight your trauma Morana. He needs you and you need him. You guys need each other. Alam kong malalampasan niyo ito"

"Lumaban siyang magisa noong wala ka. Ginawa niya ang lahat para hindi na siya makalabas sa selda. Ngayong nandito kana tulungan mo rin siya. Fight for yourself."

Siya na ang nagpunas ng luha ko "I know you need time to cope up. But it's been a long overdue. Hindi ko hinihiling na magpatawad ka. It's too hard to forgive and forget. I want you to be happy. Malaki kana alam mo na ang tama at mali. You are a strong woman. Alam kong kaya mo. Help yourself"

"Uunahan na kita. I am advising you as a doctor. I'll be honest with you. Maraming naapektuhan ng nangyari sa sayo. Binenta ng mga magulang mo ang lupa niyo sa Bulacan pandagdag sa gastos habang nasa ospital ka"

"Ilang buwan ring hindi nagsasaka tatay para mabantayan ka. That's why Lachlan decided to brought you here. Siya lahat ang gumastos. Binili niya ulit ang lupang ibenenta ng mga magulang mo. I know this is your personal issues at dapat sila ang nagsasabi sayo. But I doubt kung sasabihin pa nila yun sayo. I know I  am overstepping my boundaries as your friend and as your doctor. Pero kilala mo ako."

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon