Chapter 23

610 22 6
                                    

Hindi na bago sa akin ang magising sa magara niyang kwarto idagdag pa na katabi ko siya. Ang mas nakakapanibago ay ako mismo ang nakayakap sa nakatalikod niyang katawan sa akin.

Napapasong tinanggal ko iyon, hindi manlang gunalaw ang katabi ko sa ginawa ko. Gumalaw rin ako sa higaan ay hindi pa rin ito kumibo. Malalim ang tulog.

Madaling araw na kaya wala akong pagpipilian kundi mahiga at hanapin muli ang antok na madali ko namang nagawa.

Sa ikalawang pagkakataon na nagising ako ay ako pa rin ang nakahiga sa dibdib nito at nakayakap.

Alas sais na ng umaga ay himbing na himbing pa rin ang tulog niya sa katabi ko. Namamalat rin ng kaunti ang mukha nito dahil sa sunburn. Gwapo pa rin.

Sinunod ko lahat ng sinabi sa box ng pancake mix. Hindi ako nagluluto ng ganoon kaya sana ay maging maayos. Pang dalawang tao iyon pero gumawa pa rin ako ng fruit cereal at mango juice. Alas siyete na ako natapos, nilagay kong lahat ang pagkain sa tray at binitbit 'yon pataas.

Tulog na tulog pa rin siya ng abutan ko. Hindi manlang ito nagbago ng pwesto. Bumuntong hininga ako at itinali ang buhok gamit ang scrunchies na terno ng damit ko.

"Mr. Greengress gising na"  tinatapik tapik ko mukha nito. Umiwas ito at nagbago ng pwesto.

"Mr. Greengrass tanghali na" sa braso ko naman siya tinapik hindi pa rin ito kumikibo.

Dahan dahan kong inilapit ang bibig sa tenga nito "Mr. Greengrass gising na, tanghali na" mahinang panggigising ko.

"Hmm" ungot nito kaya tinapik ko na siya sa mukha  "Tanghali na gisin—" naudlot ang sasabihin ko pa ng may humila sa mukha ko.

"Good morning pumpkin" bati niya after  stealing a kiss from me. "Bukas na tayo pumasok"

"Tambak na ang trabaho ko. Marami ka ng meeting kasama ang mga bago mong investors local ang international. Kailangan pang asikasuhin ang koronang pinapagawa ng Royal Family. Ang mga designs na kailangan mong approbahan para sa susunod na collection na ire-release this month. Ang meeting mo kay Zyair, yung photoshoot."

"You really memorize it all"

"May utak kasi ako"

"At ako?"

Tinaasan ko siya ng kilay "Ewan ko, saan mo ba nilagay?"

"Tangina, kung hindi lang kita gusto, pinatulan na kita"

"Correction, Mr. Greengrass magaling akong magtrabaho, kaya hindi mo ako mapatulan dahil mapipilayan ka ng wala ako"

"Well that's also true. Pero ngayon halikan mo muna ako" hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"Sigurado akong nagugutom ka na" tumayo na ako at kinuha ang tray ng pagkain at inilapag sa kama  "Kumain ka na, gutom lang yan"

"Yeah, and I want you for breakfast"

"Pinagluto na kita ng breakfast, kumain kana" hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi ito tatayo at kakain kung papatulan ko siya.

"Why western breakfast?"

"Iyan ang madaling lutuin"

"Dapat ginising mo ako"

"Ayaw mo ngang magising, ubusin mo na yan. Uuwi na ako sa condo ko"

Nakasimangot na iniha-hanger ko ang mga damit na padala ni nanay. Sinabi ko lamang na may pasalubong ay nauna ng dumating si Margaux kasama si Zephyr at ngayon ay lumalamon na sa sala.

"Rana! Morana!"

"Nasa kwarto! Ang ingay mo!" Sigaw iyon ni Margaux

"Omg! You're so cute. Ibinabalik mo na ba ang pisnge mo? Cute!" pinanggigilan nito ang mukha ko, iyon ang una niya ginawa pagkakita sa akin.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon