Chapter 2

17 4 8
                                    




"Issue nanaman 'to panigurado sa mga kaibigan nyo." pang aasar ko kila Fiel habang nag lalakad kaming anim papunta sa apartment nila Gavin dito lang sa street malapit sa Nazareth.


"Anong mga kaibigan namin? Baka kaibigan lang ni Ced." turo ni Fiel sa nasa harapan namin kasabay si LJ.


Inaasar namin ang isa't isa sa mga iba naming kaklase na babae na kami ang pinag iinitan. I mean ako lang pala ang madalas iissue na malandi o pokpok daw ako dahil puro lalake ang mga kasama ko.


Hindi ko naman sila inaano pero napaka dami nilang hanash tungkol sakin. Sila ang Marites ng buhay ko jusko. Napaka inggetera dahil may mga gusto sila sa dalawang kaibigan ko pati kila Lj pero hindi sila pinapansin ng mga 'to.


"Oh ano pagkain natin?" tanong ko sa kanila dahil nag checheck na ako ng pagkain sa food panda para umorder.


"Gusto ko Pizza." inagaw ni Gavin ang phone ko para sya na ang mamili ng flavor na gusto nya.


Nandito na kami sa apartment nila hindi naman malaki pero ayos na din para sa dalawang tao. Maganda nga yung ganito dahil nagagawa nila kung anong gusto nila at pwede pa silang mag imbita ng bisita dito.


Samin kasi patakas ang mga gawain sa dorm tsaka syempre kailangan mag paalam sa mga kasama if pwede ba na mag patulog o mag papunta ng iba sa dorm. Hindi din pwedeng mag papunta o mag papasok ng lalake sa kwarto namin.


"Sulitin na natin na mag kakasama tayo ngayon dahil sa mga susunod na araw ay hindi na tayo makakatambay." sabi ni Seff habang kumukuha ng pizza na kakadating lang.


Nanood kami ng movie habang kumakain. Paminsan minsan ay nag aasaran sila Gavin at Fiel sumasali ako pero agad din akong tumatahimik dahil kinokontra ako agad ni Lj kaya tuwang tuwa sila Seff dahil aliw na aliw sila sa pang aasar sakin ngayon ni Lj.


"Sasali ba kayo sa banda na alok ni Avery?" biglang tanong ni Seff kila Gavin.


"Ewan kapag kayo sasali edi G." kibit balikat na sagot ni Gavin.


"Ako G din ako kapag G kayo." sabi ni Seff tsaka tumingin kay LJ.


"G din ako basta G kayo." tumawa si LJ sa sagot nya.


"Mga sira ulo." natatawang sabi ni Ced sa kanilang tatlo.


"Kahit kelan wala talagang ititino." naiiling na bulong ko sa sarili ko at bilang Fiel hindi nanaman ako nakatakas sa pang aasar nya.


"Patinuin mo." bulong nya sakin kaya siniko ko sya.


"Kelan ka titigil sa pang iissue mo ha? Talagang mga kaibigan mo yung mga Marites noh?" inis na sabi ko sa kanya.


"Hoy eto naman joke lang e'." hiniga nya ang ulo nya sa balikat ko pero hindi ko sya pinansin.


"Hoy bonding 'to ng mag kakaibigan ha wag kayo mag landian dito." biglang naupo sa gitna namin si Gavin.


Napatingin naman ako kay Fiel na bahagyang umusog para mabigyan ng space sa gitna namin si Gavin, kinagat nya pa ang ibabang labi nya para pigilan ang sarili sa pag ngiti.


Aba, mukhang nagegets ko na ang mga pangaasar nya sakin ay hindi talaga para sakin. Mautak din talaga ang isang 'to.





"Sino mag luluto ngayon?" tanong ko ng makapasok ako ng dorm.


"Si Denise na." turo ni Lyssa kay Denise na nakatakip ang unan sa mukha habang nakahiga sa kama nya.


"Hoy Denise tumayo kana jan nagugutom na kami." hinila ko sya patayo ng kama nya pero nag pabigat sya kaya hindi ko sya maangat.


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon