Chapter 18

17 3 3
                                    




Pagkahinto ng sasakyan ni Ian malapit sa bahay nila Denise ay agad namin nakita si Denise at Trevor na nag uusap. Hindi kami agad bumaba para hindi nila napansin ang pag dating namin.


Umiiyak sila parehas, napatingin ako kay LJ na nag hihintay lang sa tapat ng kotse ni Trevor. Napalingon kami ng may humintong sasakyan sa likod namin. Sa tingin ko ay sila Gelo yon. Pero alam kong hindi nya kasama si Arie dahil hindi pinapayagan yon ng ganitong oras.



"Oh my gosh." Napatakip si Maeve sa bibig nya kaya napalingon ako ulit kila Denise.


Nakaluhod na si Trevor ngayon sa harap nya. I think Denise is breaking up with him. Pakiramdam ko ay nahahati ang puso ko ng makita ko na nag mamakaawa si Trevor kay Denise pero buo na ang desisyon nya na makipag hiwalay. Kung ano man ang pinag dadaanan nila naniniwala ako na pag tatagpuin ulit sila ng tadhana.



Hindi ko na sila tiningnan hanggang tumayo na si Trev. Hindi ko kayang manuod. Pinag masdan ko nalang si LJ na nakayuko lang habang nakahawak ang isang kamay sa bubong ng sasakyan. I think he's crying.


Gusto kitang lapitan ngayon Linc..



"Shit.." bulong ni Ian kaya napatingin ako kila Trev. Tumalikod na sya at nag deretsong nag lakad papunta kay LJ.


Kinuha ni LJ ang susi bago umikot para sya na ang mag maneho. Saan kayo pupunta Linc? Napalingon kami kay Denise na napaupo na sa sahig habang iyak ng iyak.


Halos mag unahan kami sa pag baba para agad na puntahan si Denise. Naunang nakalapit si Ian na agad syang binuhat dahil nawalan na sya ng malay.


Pagkapasok namin sa loob ay madaming tao. Dineretso ni Ian si Denise sa kwarto kasunod si Jenica na hindi alam ang nangyari sa Ate nya. Nakaupo lang kami sa labas malapit sa pintuan dahil may mga kamag anak na dumating sa loob.


Mag kakasama na kami pinag dikit dikit nila ang lamesa para mag kakasama kami sa isang side. Kasama namin sila Gelo, Irish at Ace na mag kasama sa isang sasakyan. I think sasakyan ni Gelo ang gamit. Nandito din si Peter, Lanie at Kaye na kay Peter sumabay.


"Kamusta na sya?" Tanong ni Peter kay Ian at Maeve na kakalabas lang dahil sila ang nag asikaso kay Denise.


"Nag papahinga na." Sagot naman ni Maeve. Sa tingin ko ito ang unang beses na nag kasama sama kami. Hindi ko lang alam kung mag kakakilala na sila.


"Kilala mo na sila?" Tanong ko kay Maeve tsaka tinuro si Peter at Ace.


"Uhh Oo? Pinakilala ni Jayden nung nag farewell sya." Kibit balikat na sagot nya. Tiningnan ko naman si Ian na umayos ng upo ng marinig ang pangalan na binanggit ni Maeve.



Selos naman agad 'to.


Tiningnan ko ang phone ko para icheck kung nag reply naba si LJ. Tinanong ko sya kung nasan sya pero hindi pa sya nag rereply.



"Hey Ate sama ka?" Tanong sakin ni Ace ng lapitan nila ako ni Peter sa upuan ko.


"Nasa The Prism si Trev nag text sakin si Red." Agad naman akong tumayo para sumama sa kanila.



"Sama ko sa kanila.. Kailangan kong hanapin si LJ." Paalam ko kila Maeve na tinanguan ako.


Sumakay kami ni Ace sa kotse ni Peter. Naging mabilis ang byahe namin papunta sa The Prism. Pagkarating namin ay agad dumeretso sila Peter at Ace sa pwesto kung nasaan si Trevor pero wala sa paligid si LJ.



"Shaun, nakita mo si LJ?" Tanong ko kay Shaun ng lapitan ko sya na nag hahalo ng alak sa counter.


"Nasa taas ata kasama sila Avery." Kibit balikat na sagot nya tsaka tinuro ang hagdan kaya mabilis naman akong tumakbo paakyat.



Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon