Chapter 6

15 3 4
                                    

Crdts. Photo above are not mine.



"Merry Christmas!!!" Masayang sigaw ni Tito ng mag hit ang orasan sa 12am.


"I missed you so much Aki!" Mahigpit nya pa akong niyakap.



"Me too Tito Dad." Bahagya syang bumitaw sa akin bago nilingon si LJ na pinapanood lang kami habang nakangiti.


"Ano pa hinihintay mo jan Pogi? Tara na dito." Masaya nyang inaya si LJ para sumali samin sa yakap.



"Merry Christmas." Nakangiting sabi nya samin tsaka kami nag group hug.


"Merry Chistmas." Sabi ko bago kumalas sa yakap.



"Okay let's eat!" Pumapalakpak pa na sabi ni Tito Dad bago naunang umupo sa lamesa. Tinawag nya ang dalawang katulong at dalawang guard para sumabay na sa amin kumain.


Mag katabi kaming kumain ni LJ. Masaya na nag kwento si Tito Dad ng kung ano ano kaya tawa kami ng tawa. I am happy na makitang tumawa sya ng ganito.



Tito Dad is gay. At dahil doon ay hindi sya nag asawa ng babae or lalake. Sabi nya ay ayaw daw nyang mag mahal dahil masakit. Kapatid sya ni Daddy.


Hanga nga ako sa samahan nila dahil sa kanilang apat na mag kakapatid si Daddy lang ang kaclose nya ng sobra dahil sya lang daw ang nakatanggap sa kanya. Si Daddy lang daw ang hindi tumalikod sa kanya noong panahon na tinalikuran sya ng pamilya nya.


Sila Mommy at Daddy ang naging sandalan nya. Kaya ganito nalang ang pag mamahal nya samin ni Arie.


"Mahirap mag mahal as in. Nakakatakot.." tumingin sa madilim na kalangitan si Tito Dad habang nakaupo sa bakal na upuan dito sa gilid ng pool sa likod ng bahay.



Nag aya sya na mag inom daw dahil pasko naman at ngayon lang kami nagkasama ng ganito ulit. Syempre isama pa na kasama dito si LJ.


"Nakakatakot talaga, pero kapag willing ka naman mag take ng risk doon mo malalaman na totoo ang pag mamahal mo. Kaya napaka worth it kapag naging maayos ang result ng risk." Dagdag naman ni LJ tsaka ininom ang tagay nya.



"Nakakabaliw din. Madami akong kilalang nabaliw sa pag ibig, yung tipong hindi na nila iniisip ang desisyon na gagawin nila. Hindi nila iniisip kung may mga tao ba na masasaktan sa paligid nila. As long as para sa taong mahal nila go lang." Natatawang sabi pa ni Tito Dad at napirap nalang ako.


"Mahal mo e' kaya talagang gagawin mo lahat. Lahat naman nag kakamali kaya lahat din natututo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag salita. I drink my shot.



"Nag mahal kana po ba?" Nagulat ako ng itanong ni LJ 'yon kay Tito Dad.


"Bakit? Mag a-apply ka ba?" Natatawang tanong nya kay LJ.



"Psst Tito Dad behave.." saway ko sa kanya kaya tumawa silang dalawa ni LJ.


"Eto naman di ako pag bigyan. Pasko naman e'. Tsaka diba sabi mo kaibigan mo lang naman? Edi akin nalang." Napatakip nalang ako sa mukha ko dahil sa kanya.



Bunso si Tito Dad kaya parang malapit sya sa Gen Z dahil hindi din naman ganon ka tanda si Daddy. Pakiramdam ko nga ay kasing edad ko lang sya dahil sa way ng pakikipag usap nya sakin. Hindi ko sya binastos kahit na ganito kami mag usap kaya talaga namang goods na goods kaming dalawa.


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon