"Hi!!" mahigpit akong niyakap ni Fiel ng pag buksan ko sila ni Ced ng pintuan ng condo ko."Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ko dahil hindi naman sila nag sabi na pupunta sila.
Balak ko ay matulog mag hapon dahil wala akong trabaho. Pero mukhang hindi matutuloy dahil nandito silang dalawa at nanggugulo.
"Hindi mo ba kami namiss?" Nakalabing tanong ni Fiel ng maupo sa sofa.
"Tss. Edi wow." naupo nalang ako sa single na sofa para buksan ang TV.
"San si LJ?" tanong sakin ni Ced ng buksan nya ang isang box ng pizza na dala nila.
"Don't know." kibit balikat na sagot ko at muling nag hanap ng movie.
"Inom tayo." yaya ni Fiel.
"Why? Broken ka?" tanong ko.
"Tss. Mas mukha ka ngang broken sa ating dalawa e'." bahagya pa syang tumawa.
"Asan sila Gavin at Seff?" tanong ko pa sa kanila.
"Uhm.. Busy ata.." alanganin na sagot ni Fiel.
"Talaga?" hindi sila makatingin sakin. "Anong hindi ko alam?"
Kinwento nila sakin kung ano ba talagang pinagkakaabalahan nila Gavin at Seff at naintindihan ko naman na kaya hindi na ako nag tanong pa.
"Text mo nalang Ced si LJ kung gustong mag punta dito." sabi ko bago ako tumayo para pumasok sa kwarto. "Ligo muna ako."
Hinayaan ko lang ang sarili ko na maligo hanggang sa marinig ko na may nag doorbell. Siguro si LJ na yon. Pag katapos kong maligo ay nag suot lang ako ng maong shorts at oversize yellow shirt na may print na spongebob. Sinuklay ko din ang buhok ko bago ako nag lagay ng konting liptint at nag spray ng pabango.
Pag labas ko ay tama nga ako dahil nandito na si LJ at may dala ng GSM. Talagang mag iinom kaming apat ngayon ha. Nakaupo si LJ sa single sofa na inuupuan ko kanina sa bandang right side. Sa kabilang single sofa naman ay si Ced kaya lumapit na ako para maupo sa tabi ni LJ sa mahabang sofa sa right side din.
"Hey.." nakipag apir sakin si LJ ng makalapit na ako.
"Papuntahin ko kambal ko at si Gelo ah." sabi ko bago ko sila tinext na punta sila dito. Pinag dala ko din sila ng pulutan.
Aba kanya kanya silang dala. Place na nga sagot ko e'.
"Gandang panulak sa pizza. GSM!" sabi ni Fiel kaya nag tawanan kami.
"Mali, ganda kamong pulutan Pizza." natatawang sabi ni LJ kaya tumawa din kami.
"Pinag dala ko ng pulutan yung dalawa." sabi ko.
"Sila na ba?" tanong ni Fiel.
"Oh Marites ka nanaman." Natatawa ko syang hinampas sa balikat. "Hindi ko alam e'."
"Gaga sasabihan mo pa akong Marites pero sasagutin mo din naman." natatawa nya akong tinulak.
Nakailang ikot kami sa isang timpla ng GSM bago dumating sila Arie at Gelo na may dalang sisig tsaka mga chips. Sumabay na sa tagay nila si Gelo dahil nag pass na ako sa tagay at hindi naman pwedeng uminom si Arie.
"Where are your other friends?" tanong ni Arie kay Fiel.
"Busy." nakangiti nyang sagot kay Arie.
![](https://img.wattpad.com/cover/279725146-288-k580613.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
Ficción General'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.