Chapter 9

29 4 6
                                    



"W-what?" Nabitawan ko ang hawak ko na plastic na may lamang bottled water.


Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Kusa nalang tumulo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin o sabihin. Wala akong maintindihan sa nangyayari ngayon.



Kinuha ni Gelo ang plastic na nalaglag ko tsaka ako inalalayan paupo sa isang bench dito sa tapat ng 7eleven.


"Since first year nandito na sya. Napakaliit ng mundo dahil dito din pala sya nag aaral." Kwento pa ni Gelo.



"Paano mo nalaman?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya.


"Hindi ka maniniwala talaga.." naiiling pa na sabi nya.



"Paano nga?" Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mata nya.


"Nakita ko sya kagabi sa birthday ni Peter dahil kaibigan nya pala ito since first year." Kwento nya.



"Kaya nauna kang umuwi kagabi?" Tumango sya sakin.


"Nag usap kami. Kaklase nya si Peter pati si.." napahinto pa sya tsaka inisip kung sino pa. "Den? Denise? Ata? Nakalimutan ko kasi naka focus ako sa kanya."



"Denise!? Eto ba?" Kinuha ko ang phone ko para hanapin ang picture namin ni Denise tsaka ko pinakita sa kanya.


"Oo! Yan nga! Sya yung tumawag kay Trev ng water boy." Tumatangong sagot nya.



What!?


"All this time? Kaibigan ni Denise si Arie!? My gosh! Napaka liit nga ng mundo." Hindi makapaniwalang sabi ko.



"Anong plano mo?" Tanong nya sakin at nag kibit balikat ako.


Hindi ko alam kung dapat ko ba syang kausapin. Hindi ko nga alam kung gusto nya ba akong makita. Nandito na pala sila sa Pilipinas pero hindi sila sa bahay umuwi. Hindi na sila doon nakatira. Alam kaya ni Tito Dad ito? Bakit hindi manlang nya sakin sinabi?



Pero hindi ko din naman kasi sya masisisi dahil ako din naman ang nag sabi sa kanila na ayaw kong makaalam ng balita tungkol sa kanila.


Pag katapos namin mag usap ni Gelo ay umakyat nadin ako at kumpleto na sila doon. Napatingin pa ako kay Denise na nag po-phone lang at nakahiga sa kama nya. Gusto ko syang kausapin at tanungin kung kamusta si Arie pero pinilit ko nalang na pigilan ang sarili ko.


Dadating din ang tamang oras para doon. Baka hindi pa ngayon ang time kaya hindi parin kami nag kikita. Nasa iisang school napaka imposible na hindi kami mag kita katulad ni Gelo. Lalo na ngayon at may connection na kami.





"Ano naman ganap sayo at parang intresado ka sa mga taong ang dadaan ngayon?" Pansin sakin ni Fiel ng mag lakad kami papunta sa main campus.


"Nag hahanap lang yan si Ella ng gwapo." Sagot naman ni Ced. Pumasok na kami sa loob ng main campus. Napatingin pa ako sa mga bench na nandito sa garden malapit sa gazebo at nakita ko si Maeve na may kausap na dalawang babae mga kaibigan nya siguro.


"Huy! Baka madapa ka tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Bahagya akong binunggo ni Fiel kaya tumingin nalang ako sa daan paakyat ng hagdan dito sa JMB dahil may subject kami na minor dito at nahalo kami sa mga engineering.



"Porket wala lang si LJ tumitingin kana sa iba."  Asar ni Ced na hindi ko nalang pinansin.


Pag karating namin sa room namin ay saktong pag dating din ng prof kaya nakinig na kami. Halos wala akong maintindihan dahil lumilipad parin ang isip ko. Paano na ba? Gusto ko na makita si Arie.



Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon