Past....
"Aki naman! Bakit hindi ka pa umabot sa with honor? Tingnan mo nga si Ariesha, with high honor pa." Galit na sabi ni Daddy ng makauwi ako sa bahay at alam nya na hindi ako nakasama sa honor ngayong end ng school year ng grade 11.
"Parehas lang kayo ng subject Aki. Parehas lang kayo na nag aaral dito sa bahay. Bakit yun lang hindi mo pa magawa?" Si Mommy naman ngayon ang nag salita.
"Hindi ka aalis ng bahay ngayong bakasyon ha. Dito ka lang at mag aaral ng mga future subjects nyo para sa grade 12. Hahanap ako ng graduate na para turuan ka." Tinalikuran na ako ni Daddy tsaka umakyat sa taas.
"Sinabi ko na sayong layuan mo si Aldrich. Ayan ang nangyayari sayo dahil yan sa lalake na yon!" Sumunod naman si Mommy kay Daddy.
Naiwan akong nakatulala sa center table dito sa sala. I'm not crying.. I don't feel anything.. Siguro dahil sanay na ako sa kanila na ganyan sila sakin sa tuwing lalabas ang grades. Sa tuwing may magagawa akong hindi maganda ay ganyan ang reaksyon nila. Akala mo katapusan na ng mundo kung magalit sila.
Hindi ko alam pero simula ng malaman nila na kaibigan namin si Aldrich ay naging ganyan sila. Paano pa kaya kapag nalaman nila na Boyfriend ko na si Aldrich diba?
Ilang minuto pa akong nanatili doon bago ako umakyat sa taas para mag palit na ng damit sa kwarto ko. Inubos ko ang oras ko sa paliligo. Kagaya ng palagi kong ginagawa dito ko inuubos ang lahat ng luha ko sa ilalim ng shower. Sanay na sanay na ako sa ganitong gawain.
Pagkalabas ko ng banyo ko ay nagulat ako ng makita ko si Arie na nakahiga sa kama ko at nakatingin lang sa kisame. Kumuha lang ako ng damit at nag bihis. Pinatay ko ang dim lights at ang tanging bukas lang ay ang lamp sa magkabilang gilid ng kama ko.
"Pinagalitan ka nanaman." Sabi nya ng makahiga na ako sa tabi nya at ginaya ko ang posisyon nya.
"May bago pa ba doon?" Sarkastiko akong tumawa.
"Anong gagawin mo? Hindi mo sasabihin sa kanila na jowa mo na si Aldrich?" Hindi ako sumagot.
Hindi ko alam... Ganyan parin naman ang turing nila sakin kahit hindi ko sabihin diba? Edi hindi ko nalang itatago. Kung malalaman nila ayos lang. Bahala na.
"Nandito lang ako palagi para sayo. Magkasama tayo sa lahat diba? Kaya kahit anong maging desisyon mo. I got your back Akisha." Napangiti naman ako habang nakapikit.
"Thank you." Kayang kaya nya talagang pagaanin ang loob ko kahit anong nararamdaman ko. Kaya nya akong pangitiin kahit na wala naman syang ginagawa.
She's my twin.. Kaya alam kong ramdam nya ako, alam nya kung ano ba ang nararamdaman ko.
Kagaya ng plano ni Daddy ay nag aral nga ako ng bakasyon. Silang tatlo naman nila Arie ay nag punta ng Boracay for two weeks kaya naiwan akong mag isa sa bahay. Sanay naman akong maiwan. Wala ng bago...
Kahit wala talagang pumapasok sa utak ko ay pinilit ko paring mag aral. Balak ata nilang mag aral ako buong buhay ko. Weekend na kaya naman wala akong tutorial ngayon. Nag text sakin si Aldrich na mag kita kami sa tindahan malapit dito sa village namin.
Syempre wala sila Dad kaya kahit papaano ay naging madali ang pag kikita namin. Hindi naman ako nahirapan sa mga iniwan nyang bantay ko. Natakasan ko silang lahat.
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
Fiction générale'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.