End (last part)

15 3 24
                                    



Natapos ang funeral ng Mama ni Denise ng hindi na kami nag kausap. Mag kasama kami ni Trevor na nanood sa malayo. Pero pagkatapos noon ay hindi na kami nag kita pang dalawa. Hindi ko na alam kung saan sya nag punta at hindi ko na din hinayaan na mag sama kami sa iisang lugar para naman hindi na ako makadagdag pa sa sakit na nararamdaman nya ngayon.


Hindi din ako umuwi ng bahay para harapin si Mommy. Hindi ko pa kaya sobra pa ang kahihiyan na nararamdaman ko sa sarili ko. Hindi ko matanggap. Ang gusto ko lang ngayon ay manatili sa tabi ni Ella ang nag iisang tao na alam kong hindi ako huhusgahan at hindi ako iiwan.



Naging mabilis ang araw ng palagi kaming magkasama. Sa araw ng exam nya hanggang sa makapasa sya ay nasa tabi nya lang ako. Naguguluhan na nga ako sa kung ano ba kami dahil sya talaga ang safe place ko sana ganon din sya sakin. Sana parehas kami at hindi lang ako ang ganito ang nararamdaman.


Nag karoon kami ng project sa Batangas kasama si Red at Avery. Pagkatapos namin maging matagumpay sa pag gawa ng proposal ay nag celebrate pa kami kasama ang barkada pero syempre hindi kumpleto pero at least may mga kasama kaming bagong kaibigan.



Pagkatapos ng celebration ay back to the real world kami ulit. Ilang buwan akong tutok sa bawat detalye ng ginagawa namin. Ito ang unang project namin together ni Ella syempre pati narin nila Red at Avery tapos ay si Ace pa ang nag mamay ari kaya talaga namang nakakagaan ng loob.


"Hindi parin kayo lasing?" Tanong ko ng pinipilit na ng dalawa na maubos ang alak.


Wala talagang mag papatalo kila Maeve at Red. Napaka competitive nitong dalawang 'to. Hinintay lang namin kung sino ang unang susuko sa kanilang dalawa bago kami natulog.





"Hoy! Hanggang dito ba naman? Matulog na kayong dalawa." Inagaw ko na ang panibagong bote ng cuervo.


Nasa hotel na kami at hanggang dito ay nag iinom parin ang dalawa. Nag kakandasuka na nga parehas pero wala parin mag papatalo. Nilalason na sila ng alak pero ayaw tumigil.


"Hi-ndi wed-e .. ma-talo." Tinuturo pa ni Maeve ang sarili nya habang nakadukdok sa counter.


"Anong hindi? Tingnan mo nga sarili mo 'di mo na maintindihan sinasabi mo." Sabi naman sa kanya ni Lyssa na hinihila na sya patayo para alalayan papunta ng kwarto.


"Hoy Red." Tinapik ko ang balikat nya pero hindi na sya sumasagot.


"Loser." Nag smirk pa si Avery ng tulungan nya ako na buhatin si Red papunta sa kwarto na nakalaan para saming boys.


May dalawang room kasi dito. Sa kabila ang girls at dito naman ang boys. Pero kaming tatlo lang naman dito nila Avery, ako at Red. Si Aceay may sariling room. Ganon din sa kabila. Hindi ko alam kung sino ang wala sa kanila sa kwarto.


*****


"Hello Mr. and Mrs. Salazar, I am Architect Vardeleon and this is Engineer Dechavez." Nakipag kamay ako sa client na ni-recommend samin ni Fiel.


"Ikaw nag kaibigan ni Fiel diba Architect?" Tanong ng babae.


"Yes, I think you're his sister, am I right?"


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon