It's been six months since the last time I saw him... I feel so empty inside.. All I want is to see him right now.. But I can't.. He's gone. I don't know where he is..Sa loob ng six months madami ng nangyari at nag bago. Umalis sya ng company ni Ace. Umalis sya sa unit nya. Hindi ko naman matanong si Denise kung nakikita nya ba si LJ dahil hindi ko alam kung alam nya ba ang tungkol samin. Pati ang boys ay hindi ko matanong. Kapag nakikita nila ako ay parang hindi nila ako matingnan. Sila Fiel at Ced ay hindi ko pa ulit nakikita. Si Seff ay sa Company ni Ace na nag tatrabaho kasama ko. Si Gavin ay ganon parin walang paramdam.
Ang palagi ko lang kasama ay ang girls. Minsan lang kaming tumambay sa The Prism.. Madalas ay sa condo ko lang kami o kaya sa condo ni Maeve. Si Arie at Kaye ay madalang din namin makasama dahil busy parehas.
"Ready na ba kayo?" Tanong ko sa tatlong kasama ko.
"Yep." Tipid na sagot ni Lyssa na nasa likod ng upuan ko.
"Kahapon pa Ate, alak na alak na ako." Sagot naman ni Maeve na katabi ni Lyssa sa likod.
"Same." Sagot ni Lanie na nasa gilid ko at nakatingin sa bintana.
Nag simula na akong mag maneho. Sasakyan ko lang ang ginamit namin para hindi hassle tsaka mag wawalwal kami para wala na kaming ibang sasakyan na iintindihin kung hindi ito lang. Bahala na kung paano kami makakauwi mamaya.
Pagkarating namin sa The Prism ay nakita kong nag hihintay sa bench dito sa harap ng parking sila Irish at Denise. Bumaba na kami tsaka kami lumapit sa kanila.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko kay Denise.
"Hindi naman kakahatid lang sakin." Sagot nya.
Gusto ko sanang mag tanong kung sino ang nag hatid sa kanya pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Ayaw nyang makaalam ako ng mga bagay tungkol sa kanya kaya hindi ko nalang din aalamin.
He deactivated all his social media accounts. He hates me so much huh?
"Namiss ko kayo." Nakalabing sabi ni Irish ng makaupo na kami sa spot namin. Wala masyadong tao.
"Same!" Sabi ni Lanie kaya nailing nalang ako. Puro sya same.
"Shaun!" Excited na tawag ni Irish kay Shaun ng dalhan nya kami ng Cuervo at lemon pati na din asin.
"Hey.." nakipag apir pa sya kay Irish.
"Sure ka ba na walang dadating na mga asungot dito?" Tanong ni Maeve sa kanya kaya tumawa kami.
"Oo wala naman sinabi si Boss Red. Tsaka hindi ngayon ang schedule nila." Nag kibit balikat nalang sya tsaka tumawa.
"Aba at may sched pa nga." Sarkastikong tumawa si Lanie.
Anong meron sa kanya at napakainit naman ng ulo nya ngayon
Nag simula na kaming uminom ng umalis si Shaun para asikasuhin ang ibang customer. Sya na kasi ang namamahala ng Bar na ito.Busy kasi si Red..
Hindi ko na alam kung ano ang lagay ng barkada namin ngayon. Unti unti nalang silang nawawala na parang bula. O baka mag kakasama parin sila katulad namin. Pero nakakalungkot na kailangan namin mag hiwa hiwalay. Eto ang isang downside kapag mag jojowa ang mga mag totropa. Hindi pwedeng hindi mag kakahiwalay kapag may mga break up na nangyari.
"Bakit ganon? Lasang ginawa ko naman ang lahat?" Tanong ni Lanie pagkatapos nyang tumagay at sinundan nya ng lemon.
"Ganyan talaga Lanie kapag nag mahal." Napatingin kami kay Maeve dahil mukhang seryoso na sya. "Magiging masaya ka din. And if you're happy and you know it? Just clap your hands."
![](https://img.wattpad.com/cover/279725146-288-k580613.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
General Fiction'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.