Chapter 8

24 4 8
                                    


"Wala pa sila Gavin?" Tanong ko ng makarating ako ng The Prism. Hindi ako nag pasundo kay Fiel dahil si Aldrich ang nag hatid sakin dito gamit ang kotse ng kaibigan nya daw sa trabaho.


"Wala pa, saan ka sumakay?" Tanong nya sakin pagkaupo ko sa tabi nya.



"Grab." Nag kibit balikat ako. Buo na ang loob ko na kapag sinabi ko sa knila na may jowa ako ay dapat maihaharap ko na sa kanila.


Kaya lang hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ni Aldrich kung bakit ayaw nyang ipakilala ko sya sa mga kaibigan ko. Well, hindi din naman ako kilala ng kaibigan nya.



"You look happy." Bati ko kay Ced na nakangisi lang sakin ngayon.


"Syempre malapit na tayo mag graduate." Sabi nya lang pero hindi ako naniniwala.



Hindi naman nag tagal at dumating narin yung tatlo. Nakakalungkot isipin na hindi na namin sila kasama mag lunch next week dahil graduate na sila. Ang bilis ng panahon.


Nag simula na silang tumugtog ng dumami na ang tao. Nakailang kanta din sila bago pinaubaya sa DJ ang music. Nakisama na sila samin.



"Punta daw sila Trev." Rinig kong sabi ni Avery kay LJ na tinanguan nya lang.


Kamusta kaya silang dalawa? Alam ba ni Trev ang tungkol sa sinabi ni LJ samin last month? Tsss. Ano bang pake ko doon? Masama na ito nagiging marites na din ako.



Hindi ako masyadong uminom ganon din ang mga mag boys na may dalang sasakyan. Hindi nag tagal ay dumating na sila Trevor kasama ang mga kaibigan nya. Pakiramdam ko ay nanikip nanaman ang dibdib ko ng makita ko ang isang kasama ni Trevor.


Nag tama ang paningin namin. Hindi din sya nakagalaw kaagad dahil sa gulat na makita ako dito ngayon. After three years ngayon ko lang sya ulit nakita.



"Guys si Ian, Jayden at Gelo nga pala mga kaibigan namin." Pakilala ni Trev sa tatlong lalake na kasama nya.


Nag bigay ng space ang mga kasama ko dito para makaupo ang mga bagong dating. Mas naging maingay ang pwesto namin dahil sa kwentuhan nila. Pakiramdam ko ay mas malakas pa sila sa speaker dahil sa sobrang ingay.



Nangunguna si Peter syempre pakiramdam ko ay walang tatalo sa kanya. Idagdag mo pa ang pang aasar ni Fiel at Gavin. Pati ang malalakas na pag tawa ni Seff, Ced at LJ. Nakigatong pa si Trevor, Ian, Ace at Red. Kami lang nila Jayden, Avery at Gelo ang tahimik na nakikinig paminsan minsan ay natatawa at naiiling nalang sa kanila.


Nag mukha na syang matured ngayon. Ang laki ng nag bago sa kanya. I don't know how to act kaya halos hindi ako gumalaw ng pwesto ko. Hindi din ako makatingin ng deretso sa kanya.



"You okay?" Bulong sakin ni Ced ng maramdaman nya na hindi ako nagiging comfortable.


"I can't breathe properly, Ced." Napahawak pa ako sa dibdib ko.



Totoo iyon pakiramdam ko ay parang may sumasakal sakin simula ng makita ko sya dito.


"Ha? You want water? I will get you one." Agad syang tumayo at nag excuse sa mga nadaanan nya para mag punta sa counter ng bar at kumuha ng water.


"What happened?" Agad na tanong nila Fiel at LJ ng makita nila na inabutan ako ni Ced ng bottled water.


"She can't breathe." Sagot sa kanila ni Ced ng inumin ko na ang tubig.


"What?" Agad na tumayo si LJ tsaka lumapit  sakin nilagay naman agad ni Fiel ang kamay nya sa likod ko.


"I'm okay. I just need some air." Agad akong tumayo para lumabas. Hindi ako handa na makita sya dito.


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon