Malawak ang ngiti ko ng magising ako ngayong umaga. Kahit na maagang kumatok si Ate Tin dito sa kwarto para sabihin na iligpit ko ang mga gamit ko na nakalagay sa kabilang kama ay masaya parin ako dahil after ng ilang buwan ay mag kakaroon narin ako ng kadorm mates.Simula ng mag first year ako ay hindi na ako umalis ng dorm. As in dito lang ako sa dorm kahit bakasyon ay hindi ako umuuwi sa bahay dahil wala din naman akong uuwian na bahay.
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko na nakalagay sa kabilang kama tsaka nag linis na din ako ng buong kwarto pati banyo. Alam ko kasing maraming pupunta dito na students para icheck ang dorm. Kadalasan kapag start ng pasukan ay mga freshmen ang nag hahanap ng dorm.
Sana naman ay maayos ang makasama ko ngayong taon para tahimik at smooth lang ang school year na ito. Third year college na ako at Architecture student. Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay agad akong bumaba para mag pa laundry at bumili ng pagkain.
Medyo natagalan pa ko sa laundry dahil madaming students ang nag papalaundry ngayon. Hindi ko na din tinake out ang pagkain ko. Hinayaan ko na lumipas ang oras habang nasa labas ako at kumakain.
Pagkabalik ko ng dorm ay naabutan ko si Ate Tin na may kasamang isang babae at siguro mama nya yung kasama nya dahil mag kahawig sila. Bahagya akong ngumiti sa babae na nasa loob. Hindi ako agad pumasok at hinintay ko na matapos si Ate Tin sa pag papaliwanag ng mga rules dito sa dorm.
"Eto nga pala si Ella, sya yung nag s-stay dito at tatlong taon na sya na nandito." pakilala sakin ni Ate Tin sa mag nanay na nasa harapan ko.
"Hi!" masayang bati ko sa kanilang dalawa tsaka ako malawak na ngumiti.
"Si Lyssa bago mong kadorm." turo ni Ate sa babaeng nasa gilid nya.
Bahagya pa akong kumaway at ganon din naman ang ginawa nya. Hindi na sila nag tagal pa dahil agad din umalis ang mag nanay. Agad naman akong pumasok ng room para makapag pahinga na dahil nakaramdam ako ng antok.
Hays..Sana maging mabait ang mga makakasama ko ngayon school year.
Kinabukasan ay may bago nanaman na nag tingin ng dorm pero Papa naman nya ang kasama nya. Sabi pa ay baka bukas ay mag dadala na sya ng mga gamit para hindi sya sumabay sa mga ibang estudyante na mag lilipat din ng gamit.
May ibang mga tumingin pa pero mukhang hindi nila nagustuhan. Maaga akong natulog para maaga din akong magising bukas dahil nakakahiya naman sa bago kong kadorm na bukas mag lilipat ng gamit.
"Hi Ate!" masaya syang kumaway ng pag buksan ko sya ng pinto.
"Hello Denise, pasok kayo." niluwagan ko ang pag bukas ng pintuan para makapasok sya kasama ang Papa nya.
Nag simula na silang ayusin ang gamit nya habang ako ay nag ayos para bumaba. Nag text kasi sakin si Tito Dad na nag padeliver daw sya ng pizza kaya naman nag ayos na ako para kuhanin mamaya kapag nanjan na sa baba.
Tumulong na din ako kay Denise sa pag aayos ng gamit nya sa kama nya habang ang Papa nya ay inaayos ang lalagyan ng damit nya. Ang cutie nila.. Sana all close sa Papa.
Mabilis akong bumaba ng mag text na sakin ang grab na nasa baba na ang order. Pag kakuha ko ay inaya ko sila Denise na kumain dahil hindi ko naman kayang ubusin ang dalawang pizza na order sakin ni Tito Dad.
Natapos ang araw na nag ayos lang sila Denise at pagkatapos nila ay umuwi narin sila. Sabi nya ay sa weekend nalang sya babalik dito para masulit nya ang ilang araw na kasama ang Fam nya. Kitang kita ko naman kung gaano nya kamahal ang pamilya nya dahil sa Papa palang nya alam ko ng close talaga sila.
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
Fiction générale'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.