End (first part)

20 2 6
                                    




"Linc.. Come on ayaw mo ba lumangoy?" aya sakin ni Daddy ng makita nya na nakaupo lang ako sa ilalim ng puno malapit dito sa dalampasigan.


Summer kasi kaya nag aya sila Mommy na mag celebrate dito sa Palawan. Pinapanood ko si Mommy na samahan si Trev sa mababaw na part ng dagat para mag tampisaw. He's 7 years old kaya dapat pa syang bantayan.


"Mamaya na po Dad."


"Sige, basta sunod ka nalang samin ha." tinanguan ko sya bago ako muling nanood kila Mommy at Trev.


Nakangiti lang ako habang nakaingin sa kanila. Ang saya nila tingnan. Kahit wala ako doon sa tabi nila ay isang masayang pamilya sila. Sinakay ni Daddy si Trev sa balikat nya habang sinasabuyan ni Mommy ng tubig sila Dad.


Ang saya ko para sa kanila.. Pero ako? Masaya ba ako para sa sarili ko? Hindi ko maintindihan dahil habang tumatagal ay unti unti kong nararamdaman na may kulang sakin. Hindi naman nila ako iniiwan pero parang hindi ako dapat nandito. Parang mali na nandito ako..


May hinahanap ako na hindi nila maibigay sakin. Palagi nalang may kulang sa puso ko na hindi ko naman maintindihan. Gulong gulo na ako..


*****


"Anong plano mong kunin na course?" tanong sakin ni Daddy habang kumakain kami ng dinner.


Kakagraduate ko lang ng senior high kaya kailangan ko ng mag decide kung anong course at kung saan ako papasok.


"Hindi ko pa po alam." nakayuko na sagot ko.


Wala akong plano..Hindi ko alam kung ano bang gusto ko sa buhay. Go with a flow nalang ako ngayon. Nahihirapan ako na makita ng malinaw ang future ko. Pakiramdam ko nga ay mamatay na ako kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sakin sa future.


"You should decide na.. Malapit ng mag pasukan ulit." tumango lang ako kay Dad.


"Architecture ayaw mo? Magaling ka naman mag drawing kaya bakit hindi mo i-pursue ang talent mo?" suggest sakin ni Mommy kaya napaisip ako.


"Pag isipan ko po." sagot ko..


Lumipas ang ilang buwan hanggang sa nag enroll na nga ako ng Architecture sa National University dahil maganda ang passing rate ng Architecture doon. Inaya din ako nila Seff at Gavin dahil doon din daw nila balak.


Nakakatuwa nga dahil hanggang sa college pala ay mag kakasama parin kaming tatlo..


*****


"Trev nakita mo si Mommy?" tanong ko kay Trev ng puntahan ko sya sa kwarto nya.


"Umalis ata sila ni Dad. Hindi ko alam." nag kibit lang sya ng balikat habang may ginagawa sa computer nya.


"Ano yan ha?" tanong ko pero agad nyang inexit yung ginagawa nya sa tab.


"Wala 'yon.." sabi nya tsaka sya humarap sakin habang naka upo parin sa swivel chair nya.


"Seryoso? Binata kana ah nag sesecret kana.." ginulo ko naman ang buhok nya katulad ng ginagawa ko noong mga bata pa kami.


"Kuya, highschool na ako kaya talagang binata na ako." natawa naman ako dahil sa reaksyon nya na naiinis.


Hindi ko na sya ginulo pa kaya lumabas na ako para mag punta ng music room. Hintayin ko nalang si Mommy na makauwi. Mag papaalam kasi ako sa kanila ni Dad. Nag aaya kasi sila Gavin na mag inom sa bahay nila at mag overnight.


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon