Chapter 14

18 3 5
                                    





Magkatabi kaming nakasakay ni Shaun sa grab na sya din ang nag book. Sabi ko ay kahit hindi na sa grab pero ang sabi nya ay para daw comfortable ako.


Grabe hindi lang sya gwapo napaka bait pa. In fairness mabango din. Napairap nalang ako sa sarili ko dahil kung ano ano ang naiisip ko tungkol sa kanya.



Pagkarating namin sa tapat ng building ng condo ko ay bumaba na kami. Sya dapat ang mag babayad pero inunahan ko na. Nakakahiya na masyado.


"Dito nalang." Sabi ko tsaka huminto sa tapat ng lobby.



"Pasok kana." Tinuro nya pa ang pintuan.


"Salamat! Bawi nalang ako sayo next time." Nakangiting sabi ko sa kanya. Inangat ko ang kamay ko sa harapan nya para makipag apir pero agad may humila non pababa.



"Linc?" Takang tanong ko ng makita ko sya dito sa tabi ko na hawak ang kamay ko at seryosong nakatingin kay Shaun.


"Chill.." natatawang sabi ni Shaun tsaka sinuko ang kamay sa ere. "Hinatid ko lang mag isang uuwi galing NU."



"Bakit di ka nag text na nandon ka pala." Nilingon nya ako kaya napakunot ang noo ko sa kanya.


What? Kelan pa ako nag karoon ng responsibility para itext sya?



"Ako na bahala sa kanya. Salamat." Tinanguan nya pa si Shaun tsaka ako hinila papasok sa lobby pero lumingon pa ako kay Shaun na nakatingin lang samin at nakangiti.


"Bye Shaun! See you next time!" Kinaway ko pa sa kanya ang isang kamay ko at ganon din sya bago tumalikod para mag lakad paalis.



"Sana tinawagan mo nalang ako para sunduin ka." May bahid ng pag kainis ang boses ni LJ ng makaupo kami sa sofa dito sa lobby.


"Uhh. Why would I? I mean kaya ko naman e'. Nag insist lang sya na ihatid ako dahil delikado na daw." Sabi ko.



"Kaya nga. Gabi na akala ko kung ano na nangyari sayo dahil hindi ka nag rereply at hindi mo din sinasagot tawag ko." Nag iwas sya sakin ng tingin tsaka sinuklay ang buhok.


"Sorry kung hindi ko nasagot. Pero ayos lang naman ako. Hindi mo obligasyon na sunduin ako. At salamat sa pag aalala." Nakangiting sabi ko kahit na gusto ko syang irapan ngayon.


Ano nanamang trip nya sa buhay nya? Bakit ganito nanaman ang inaakto nya?


"Next time sabihan mo ako kapag may pupuntahan ka para masamahan kita." Sabi nya pa kaya napatitig ako sa kanya.


"I mean. You can text me or sila Fiel. May mga free time naman siguro sila. Tsaka sasamahan ka din naman nila." Medyo nag panic pa sya.



"Hey Linc. Thank you talaga. Sorry rin kung napag alala kita. But okay lang ako. Kaya ko sarili ko don't worry." Hinawakan ko pa sya sa braso nya kaya napatingin sya doon.


"Sorry.." napapalunok syang nag iwas ng tingin sa kamay ko. "If you feel na lumagpas ako sa limitation ko bilang isang kaibigan ngayon. Nag alala lang talaga ako."


"I know naman. Kahit naman siguro sila Fiel ganyan magiging reaksyon kung hindi ko nasagot mga tawag at text nila." Umayos na ako ng upo.


"Yeah right." Bumuntong hininga sya.



"You want to go to my unit?" Tanong ko sa kanya.


"No. You should rest na." Nakangiting sabi nya sakin tsaka tumayo.



Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon