Chapter 13

15 4 10
                                    



"Hay nako eto nanaman tayo sa puro picture." Reklamo ni Ced.


Puro sya reklamo pero ayaw umalis dito. Sarap pukpukin e'. Ngayon ang celebration namin at gaya ng napag usapan ay libre naming tatlo ang tatlong araw na pag stay namin dito sa Pangasinan.



"Sayang kaya ang ganyan kagandang view." Tinuro ko pa sa kanya ang malawak na karagatan. Ang ganda din ng ulap ngayon masyadong maaliwalas hindi masyadong matirik ang araw kahit na tanghaling tapat ngayon.


"Tss. Sige kainin nyo yang pictures nyo ah." Tinuro pa nya ang hawak na camera ni Fiel.


"Edi ikaw ang kumain. Ang kj mo naman." Bahagya ko syang tinulak.


"Hoy Yskaela halika dito maganda ang view dito oh dali!" Minadali nya ako. "Hayaan mo na yan si Ced jan mamaya lalamig din ang ulo nyan."


"Paano bang pose gagawin ko?" Tanong ko dahil naubos na ang mga pose na alam ko dahil sa dami ng pictures ko.


"Be natural. Kunyari nagulat ka dali." He suggested. I act like I saw something. Tinakpan ko pa nang bahagya ang bibig ko.


"Yan ganyan nga. Oh pasweet naman dali." I slightly smiled then put my hair at the back of my ear while looking at the camera. Malakas na tumawa si Fiel pagkakuha nya ng picture.


"More pa. Be seductive naman." Bahagya ko naman inawang ang labi ko tsaka lumuhod sa sand. Bahagya din na magkahiwalay ang mga hita ko. Nakasuot ako ng two piece black swim suit. Pero syempre naka maong short ako na nakabukas lang ang botones para makita ang suot ko sa loob.


Hinawak ko ang kanan na kamay ko sa kanan na balikat ko. Ang kaliwang balikat ko ay mas hinarap ko pa papunta sa camera ng konti. Ang kaliwang kamay ko ay nakahawak lang sa hita ko. Seryoso akong tumingin sa camera.


"Woah! Asian next top model ba 'yan?" Tanong ni Gavin ng makalapit silang tatlo samin.



"Awrang awra ang Yskaela!" Tumawa si Fiel ng tingnan ang pictures ko.


"Let's picture together." Napatingin ako kay LJ ng lumapit sya sakin. "Fiel can you take a photo of us?"



"Sure!!" Tiningnan pa ako ni Fiel at malawak syang ngumiti na may halong pang aasar kaya sinamaan ko sya ng tingin.


"Mag dikit naman kayo." Natatawang sabi ni Gavin samin.



"Wag kang kabado Pre. Picture lang yan hindi pa yan prenup." Asar ni Seff sa kanya kaya pinakita nya lang ang middle finger nya.


Agad naman akong kinabahan ng maramdaman ko ang mainit na kamay ni LJ sa likod ko para hapitin ako palapit sa kanya.



Ano ba Yskaela kumalma ka lang.


"Smile naman jan." Sabi ni Ced.



Bumuntong hininga ako tsaka ko nilagay ang kamay ko sa likod ni LJ para hindi mag mukhang awkward ang picture namin. Ngumiti ako sa harap ng camera.


"Ibang pose naman." Sabi ni Fiel.



"Kunyari nag tatawanan kayo." Sabi naman ni Gavin.


"What? Paano natin gagawin yon?" Bahagya akong tumingin sa kanya.



"Ewan." Kibit balikat na sabi nya. "Tingnan nalang natin si Gavin. Makita ko lang kasi sya natatawa na ako e'."


Naitakip ko pa sa bibig ko ang isang kamay ko dahil sa malakas na pag tawa ko sa sinabi ni LJ at ganon din sya.



"'Yan grabe ang natural." Sabi ni Gavin kaya nag katinginan kami ulit ni LJ at nag tawanan ulit.


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon