Chapter 4

24 3 3
                                    




"Ate namiss kita." mahigpit akong niyakap ni Maeve ng makapasok sya ng dorm.


Pasukan na ulit bukas para sa second sem kaya naman nag babalik na ang mga kadorm ko na nag bakasyon lang ng isang linggo.



Dating gawi kasi ako dito lang sa dorm. Halos isang linggo lang ako na nakahiga dito. Lalabas lang kapag kakain o kaya kapag makikipag kita sakin si Tito Dad.




"Ate hindi ka umuwi?" Tanong sakin ni Denise.


"Hindi." Naiiling na sagot ko.


"Bakit?" takang tanong ni Maeve habang kumakain kami ng Dinner. Kumpleto na kaming lima ngayon.


"Tinamad ako e'." Kibit balikat na sagot ko.


Hindi naman na sila nag tanong at nag tuloy nalang sa pagkain. Pakiramdam ko ay wala ako sa mood ngayon kaya naman maaga na akong natulog. Meron kasi ako kaya hindi ako makapag kulit. Sakit kasi ng puson ko.




"Huy. Tahimik mo palagi kapag start palang ng class." Bulong ni Fiel ng tumabi sya sakin.


"Wag ka makulit ngayon Fiel baka masuntok ka nyan." Banta sa kanya ni Ced na nasa kabilang gilid ko.


Himala nga at tumabi na sya samin ngayon. Halos buong first term kasing nasa harapan namin sya sa kahit saang subject. Baliw din e'.


"Ay red days." Tahimik nalang syang naupo sa upuan nya tsaka nag phone.


Nakadukdok lang ako sa desk ko habang wala pang Prof ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. Halos natapos ang klase ng hindi ako nag sasalita. Gusto ko na sanang umuwi pero ayoko naman na first day ay absent ako.


"You look.." hindi natapos ni LJ ang sasabihin nya dahil nakita ko na siniko sya ni Gavin. Nasa harapan namin silang tatlo katabi ko naman si Fiel at Ced.


"Beautiful." Dagdag nya na ikinatigil nya din.


"Wala ako sa mood ngayon LJ susuntukin kita jan." Sabi ko pa bago yumuko ulit sa lamesa habang hinihintay ang order namin dito sa Happy Place.


"Sungit." Bulong nya pa pero hindi ko nalang pinansin.


Natapos din kami kumain ng tahimik lang ako pati sila tahimik din. Gusto ko nga silang sabihan ng ayos lang sakin na mag asaran o kulitan sila basta wag lang nila ako idadamay pero mukhang hindi nila gagawin. Ganyan naman sila. Gusto nila yung comfortable ako kaya tahimik at behave lang talaga sila kapag meron ako. I'm so blessed.


Kahit gusto ko ng mahiga dahil sa sakit ng puson ko na umaabot pati sa balakang ko ay pinilit ko parin na pumasok. 7pm ang last class ko kaya pagod na pagod nako.


"Here, gamitin mo 'to." Napalingon ako sa likod ko ng makita ko na nakasilip sakin si LJ dahil kanina pa ako nakayuko dito sa desk ko.


"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sa kanya dahil alam ko ay kanina pa tapos ang klase nya.


"Hihintayin kita sa labas." Bulong nya bago nag lakad palabas.


Nilagay ko nalang ang hot compress sa puson ko. Saan naman kaya nya ito nakuha? Ako lang mag isa sa klase na ito dahil namali ng nakuhang subject sila Fiel at Ced. Ay hindi pala subject section pala.


Hindi naman na nag pagawa ng kung ano ang Prof namin dahil first day naman daw kaya buong oras lang akong nakayuko sa desk ko. Pagkatapos ng klase ay hirap akong tumayo para kuhanin ang bag ko ng maunahan na ako ni LJ na kuhanin yon. Anong meron sa kanya at sumusulpot kahit dito sa loob ng room ko?



Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon