Chapter 23

17 3 8
                                    




"Congratulation, Ysa!" pumapalakpak na sigaw ni Maeve ng makapasok si Arie dito sa rest house nila Gelo sa Tagaytay. Dito kasi namin ginanap ang Bridal shower ni Arie.


Sila Irish, Maeve at Kaye ang nag plano ng lahat. Nag ambagan nalang kami para sa mga gastos. Nag picture lang kami sa backdrop na nandito sa sala. Kulay white, silver at rose gold ang theme. May mga lobo pa na nakalat sa sahig na sinisipa sipa lang ni Lyssa ngayon habang nag hihintay na matapos sila Maeve sa picture.


"Ano tapos kana?" Tanong sakin ni Lyssa dahil nilapitan ko na sya.


"Yep, napagod na ako mag picture." Natatawang sagot ko tsaka ako tumingin kila Arie na masaya sa ginagawa nilang pictorial.


Naka white long dress sya at kami naman ay naka pastel pink lang na dress din. Iba-iba naman ang design ng dress namin. May suot pa si Arie na rose gold na sash at may nakasulat na 'Bride'. Pagkatapos nila mag pictorial ay sabay sabay kaming nag punta sa kusina.


Si Arie ang nag lead ng prayer at halos maiyak kaming lahat dahil sobrang heart warming ang dasal nya bago kami nag simulang kumain. Masarap ang mga pagkain na inorder nila Irish.


"Gusto ko sa kasal ko ganito din." sabi ni Maeve ng matapos kaming kumain. Nasa sala na kami para mag inom at mag videoke.


"Hanap ka muna Jowa Maeve." bulong sa kanya ni Lanie.


"Tagal umuwi e'." tumawa sya bago uminom.


"Bakit kasi yung nasa malayo pa ang gusto mo? Pwede naman yung malapit lang ah." sabi naman ni Lyssa sa kanya.


"Kaibigan nga kase nya." si Irish naman ang nag salita.


"Alam nyo. Wag ako ang pag usapan nyo. Ayan si Ate Ella oh! Bakit hindi nyo sya tanungin kung kelan sya mag aasawa?" tinuro pa ako ni Maeve.


"Isa pang waiting 'yan e'." sagot ni Kaye. "President 'yan ng Waiters club."


Halos maibuga ko ang alak na nasa bibig ko ng sabihin iyon ni Kaye. Paano nya nalaman 'yon? Ang daldal ni Pula ha.

Nag asaran lang kami hanggang tamaan na kami nila Denise, Lyssa, Kaye at Lanie. Nag aya sila na mag laro daw kami. Nag charades kami at sobrang napaka epic dahil nga mga nakainom na kami. Madami pa kaming mga nilaro. Nag twerk pa si Irish habang pinapalo ni Maeve ang pwet nya kaya sobra ang tawanan namin.


Hindi lang si Arie ang nag enjoy ng Bridal shower nya pati rin kami. Kinabukasan ay sinundo lang ni Gelo si Arie at Irish. Ako naman ay may dalang sasakyan at sakin sumabay si Lanie at Kaye. Sinundo naman ni Ian si Maeve, Lyssa at Denise.





"Architect Gallevo!" napalingon ako sa tumawag sakin ng makasakay ako sa elevator paakyat sa floor ng office ko. May sarili na kasi akong office ngayon dahil isa na ako sa mga in demand na Architect.


"Uy Engineer Savirnn. Kamusta?" pormal na tanong ko ng sabay na kaming makapasok sa elevator.


"Ayos naman ako Architect." masayang sagot nya. "May gagawin kaba mamaya pag katapos ng trabaho?"


"Balak ko sana mag punta ng mall jan lang sa malapit." sagot ko naman habang nakatingin lang sa taas para makita kung anong floor na.


"Ay sayang. Ayain sana kita sa The Prism." Kinamot nya pa ang batok nya kaya natawa ako.


"Next time nalang siguro." Tinapik ko sya sa balikat bago ako lumabas ng elevator.


Engineer Savirnn is a good man. Ilang beses ko syang naging kapartner sa ilang projects ko. Magaling sya at mabait. Hindi ko nga akalain na umiinom pala sya noong unang beses ko syang makasama sa The Prism. Tumatambay kasi kami doon minsan ng team.


Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon