"Happy New Year!!" Sigaw namin nila Tito Dad."Okay! kain na." Sabay sabay kaming pumasok sa loob pagkatapos namin maubos ang mga paputok.
"Ito na ang third New Year mo dito." Nakangiting sabi ko kay LJ na nakaupo sa tapat ko sa kabilang gilid ni Tito Dad.
"Yep. Mas mahal na nga ako ni Tito Dad kesa sayo." Natatawang sabi nya kaya inirapan ko sya.
"Edi ikaw na ang mahal." Sabi ko naman kaya tumawa sya.
"Well, isa lang naman ang gusto kong mag mahal sakin." Kibit balikat na sabi nya.
"Nye nye! Kwento mo sa pagong." Nag tawanan kami sa sinabi ko. Ano ba ang mga naiisip ko?
"Hep! Happy New Year!" Napalingon kami sa bagong pasok na si Arie.
"Oh buti pinayagan ka ng mga magulang mo?" Tanong naman sa kanya ni Tito Dad.
"Syempre ako pa ba? Sabi ko ay pupuntahan ko ang pinaka mamahal kong Tito Dad." Yumakap sya agad kay Tito Dad at humalik sa pisngi.
"Nako kaya ikaw talaga ang pinaka paborito kong pamangkin na BSA sa lahat ng BSA na pamangkin ko." Natawa naman kami ni LJ dahil sa sinabi nya.
"What!? Ako lang naman ang BSA na pamangkin mo ah." Angal pa sa kanya ni Arie.
"I know right." Tumawa ng malakas si Tito Dad.
"Hmp.. Uy Hello sayo sa pinaka gwapo kong soon to be brother in-law." Yumakap din sya kay LJ kaya napaubo ako.
"Hoy anong brother in-law?" Tanong ko naman sa kanya kaya nilingon nya ako.
"Uy nanjan ka pala. Hello sayo." Kinawayan nya lang ako tsaka umupo sa tabi ni LJ.
"Wala ba akong isang 'Hi sa pinaka maganda kong twin sister'?" Ginaya ko pa ang boses nya kanina kaya napa irap sya.
"Wala." Kibit balikat na sagot nya.
"Ha? Ang daya mo naman. Bakit naman?"
"Well, next year nalang yon." Kinindatan pa nya ako kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Namiss ko kayo panoorin na mag asaran. Ang pinaka paborito kong kambal na pamangkin." Pumapalakpak pa na sabi ni Tito Dad.
"Tito Dad!" Sabay namin na tawag sa kanya kaya nag tawanan kaming apat. Baliw talaga si Tito Dad kami lang naman ang kambal na pamangkin nya e'.
Ito na ata ang pinaka masaya na pasok ng taon ngayon. After a year finally naging magaan na ang pakikitungo sakin ni Arie ngayon. Kahit papaano ay bumabalik na ang Arie na kilala ko noon.
"Oh ready ka na ba?" Tanong sakin ni Tito Dad ng makababa na kami sa kotse nya dahil ngayong araw na ang graduation ko.
Sobrang tuwa at kaba ang nararamdaman ko. Finally tapos ko na ang limang taon ko sa college. Grabe yung saya na nararamdaman ko ngayon.
Si Tito Dad ang kasama ko ngayong graduation ko dahil hindi ko pa nakakausap sila Mom at Dad. Hindi ko alam kung kakayanin ko na makipag usap sa kanila.
"Congratulation Graduates!" Nag palakpakan kaming lahat. Halos nag kagulo na ang mga tao.
"Mauna na ako sa sasakyan ha. Hintayin nalang kita doon." Bahagya pang tinuro ni Tito Dad ang kanan na bahagi ng parking. Tumalikod na ako sa pintuan para mag punta sana kila Fiel at Ced pero natigil ako ng may humitak sakin.
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
General Fiction'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.