Ilang linggo lang ako halos nakakulong sa kwarto ko. Nag sick leave pa ako dahil hindi ko pa kayang humarap sa mga tao. Nahihiya ako para sa sarili ko na naging kabit ako.Hindi ko alam kung paano maalis ang bigat na nararamdaman ko. Pinauwi ko sila Arie dahil ayokong makaabala sa kanila dahil nag rereview pa sila para sa CPALE.
Sila Ced naman ay nag pupunta dito kapag may free time sya para samahan ako at mapagaan ang pakiramdam ko. Si Fiel ay hindi ko pa nakikita simula noong malaman ko ang tungkol kay Aldrich.
Nag text naman sya sakin na mag pakatatag daw ako. Hindi daw nya ako mapuntahan dahil nag kakagulo sa bahay nila dahil kay Aldrich at Ate nya. Ang Mama daw nila ang pinaka galit pero ang Ate nya ay ayaw hiwalayan si Aldrich at sinasabi nya na kasalanan nya. Hindi ko na tinanong pa ang tungkol sa kanila.
I need to focus more sa sarili ko. Hindi na ako umiiyak dahil pagod na ang mata ko na lumuha para sa maling tao. Nakatulala nalang ako sa kisame habang iniisip kung pano ko aayusin ang buhay ko. Dahil pakiramdam ko nagulo iyon ng malaman ko na niloloko nya pala ako sa loob ng apat na taon.
Kahit na may balak na akong makipag hiwalay bago ko pa malaman ay niloko parin nya ako ramdam ko parin ang betrayal nya at yun ang kailangan kong lagpasan ngayon.
Sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyayari sakin. Pero pilit ko din pinapalakas ang loob ko at sinasabi na hindi ko kasalanan dahil nag mahal ako. Totoong nakakabaliw kapag nag mahal ka hindi mo na maiisip ang mga nangyayari o ang mga gagawin mong desisyon para sa taong mahal mo.
"Aki.. You should eat.." pilit sakin ni Arie ng puntahan nya ako dito.
Pagdating nya ay pinagalitan nya ako dahil ang dinner na dinala ni Gelo sakin kagabi ay nasa lamesa parin at hindi ko manlang nagalaw. Wala akong ganang kumain. Gusto ko lang damhin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"I'll call Tito Dad para sabihin ang lagay mo ngayon." Hindi parin ako gumalaw.
Noong mga una ay yun ang panakot nya sakin para kumain ako. Pero ngayon ewan ko ba, wala na akong takot na maramdaman. Pinikit ko nalang ang mata ko at hinayaan si Arie sa mga sinasabi nya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako naramdaman ko nalang na may katabi ako sa higaan kaya lumingon ako. Gulat akong napatitig kay LJ na nakahiga lang sa tabi ko habang nakaunan ang ulo sa mga braso nya at nakatingin sa kisame.
"You're here.." napapaos na sabi ko at tumingin din ako sa kisame.
"You should eat." Bumaba sya ng kama tsaka lumabas pero hindi din nag tagal ay pumasok sya at may dalang tray tsaka nilapag sa gilid ng kama ko sa hinigaan nya kanina.
"Kakain ka mag isa o susubuan kita?" Naupo sya sa kama at tinukod ang kamay sa kama at tinitigan ako.
"Ayoko." Walang ganang sagot ko .
"Okay susubuan kita." Tumayo sya ulit tsaka umikot papunta sa pwesto ko para hilahin ako paupo ng kama. Wala akong nagawa dahil naghihina ako. Nilagyan nya pa ng isa pang unan ang likod ko para may sandalan ako.
"I will not eat." Nakatingin lang ako sa puting pader ng kwarto ko. Kinuha nya ang try tsaka naupo sa gilid ko sa bandang right side ko.
"Yes you will." Pilit nya bago kumuha ng pagkain sa spoon para isubo sakin. "Please.. You have a fucking fever Akisha. You need to eat para maka inom ka ng gamot."
"Ayoko.." nag simula nanaman akong maiyak. Akala ko wala na kong luha? Bakit eto nanaman?
"Just try Aki.. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil ayaw sakin sabihin nila Fiel at Ced mas lalo na si Ysa at Gelo. Kaya please kung ano man ang nangyari sayo kailangan mong kayanin." Nag mamakaawa ang tingin nya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/279725146-288-k580613.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
Ficción General'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.