Nakayakap lang sya sakin hanggang sa makarating kami ng sala at naupo ako sa mahabang sofa. I don't know what to do. Niyakap ko lang sya habang nasa dibdib ko sya at walang tigil sa pag iyak.Hindi ko na sya maintindihan dahil may sinasabi sya pero dahil sa pag hikbi nya ay hindi mo talaga maintindihan. Hinagod ko ang likod nya ng mag simula nanaman gumalaw ang mga balikat nya dahil sa pag iyak.
Hinalikan ko sya sa noo humihiling na sana mabawasan non ang sakit na nararamdaman ngayon ni LJ. Hindi ko sya matingnan kaya nakapikit ko lang syang niyakap habang hinahaplos ng isang kamay ko ang buhok nya at ang isa naman ay ang likod nya.
"I-I d-don't know..." umiiling sya.. "H-hindi ko a-alam g-gagawin k-ko." Humihikbing sabi nya.
"Shhh.. Just let it out Linc. I will be here. Hindi ako aalis sasamahan kita hanggang sa maging ready kana.." bulong ko sa kanya tsaka ko sya hinalikan sa noo.
Umiyak lang sya ng umiyak habang nakayakap sakin hanggang sa makatulog na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hiniga ko lang sya sa sofa habang nakaunan sa lap ko.
Nag patuloy lang ako sa pag suklay sa buhok nya na hindi nakatali. Halata sa mukha nya ang pag iyak namumula ang talukap ng mata nya pati ang ilong. Napatingin ako sa bandang kilay nya dahil may sugat sya doon. Pati ang labi nya ay putok din.
Kinabahan na akong ng makita ko na namumula ang leeg nya at may dugo sya sa white shirt nya. Hindi ko yon napansin dahil nakajacket sya. Agad nya din kasi ako niyakap kaya wala na akong pag kakataon pa para mapansin ko ang itsura nya. Hanggang sa mag baba ang paningin ko sa kamay nya na may bandage ang mga knuckles nya.
"Anong nangyari sayo Linc?" Naguguluhan na bulong ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman sya sasagot dahil tulog sya.
Kahit na inaantok ako ay pinigilan kong matulog dahil sa posisyon ko ngayon. Mabuti nalang at dala ko kanina ang phone ko kaya kinuha ko yon.
Yskaela Akisha: Trev, anong nangyari kay Linc?
Trevor Alkien: Kasama mo sya? Please kung kasama mo sya pakisamahan muna. Wag mong iiwan please Ate Ella. Be with him. Kailangan nya ng kasama ngayon.
Yskaela Akisha: Hindi ko sya iiwan. Pero sana ayos ka lang din. Kung ano man ang nangyayari sa inyo sana maging maayos din.
Hindi na nagreply pa si Trevor. Nag scroll lang ako sa Twitter at FB habang hinihintay na magising si LJ. Pero mahimbing ang tulog nya kaya naman maingat kong inangat ang ulo nya para makatayo ako. Kumuha ako ng throw pillow para gawing unan nya.
Maliwanag na kasi kaya nag punta na ako sa kusina para mag luto ng almusal. Para pag gising nya ay makakain na sya. Pagkaluto ko ay tulog parin sya kaya naligo muna ako. At habang naliligo ako ay may narinig ako na sigaw kaya kahit may shampoo pa ako ay nag bathrobe lang ako para lumabas.
"Hey.. I'm here." Nilapitan ko sya dahil nahalata ko sa mukha nya ang pag papanic.
Nag simula nanaman syang umiyak ng yakapin nya ako. Ramdam ko ang panginginig ng katawan nya. Ang takot nya na maging mag isa ay ramdam na ramdam ko.
"Go inside my room and wait for me. Tatapusin ko lang ang paliligo ko." Hinawakan ko sya sa kamay para sabay kaming pumasok sa kwarto ko. Nahiga sya sa kama tsaka nya kinuha ang we bare bears na si panda tsaka niyakap iyon bago Nahiga sa sofa sa dulo ng kama ko.
Tinapos ko na ang paliligo ko. Nag bihis lang ako ng black leggings at white shirt. Nag blower din ako ng buhok para maitali ko iyon agad.
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
Fiction générale'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.