"Ready kana?" Masayang tanong ni LJ ng pag buksan ko sya ng pinto ng condo ko."Yup." Tumango ako tsaka ko hinila ang maliit na maleta ko.
I passed my exam. Architect na ako!
At ngayon ay may project kami ni LJ sa Batangas. Isa syang Resort na pag aari ni Ace. Kaya kami ni LJ ang kinuha nyang Architect at sila Red at Avery naman ang Engineer. Malaki kasing Resort ang ipapagawa nya kaya kailangan ng madaming Engineer at Architect.
Sa company naman nya kami nag tatrabahong apat kaya goods lang. Mag stay kami sa Batangas hindi ko lang alam kung hanggang kelan dahil kailangan talaga namin tingnan ang lot at mag design. May isang bahay na provided ng company para saming apat at sa iba pang mga staff.
Tinulungan ako ni LJ. Sya ang nag hila ng maleta ko habang dala nya ang malaking duffle bag nya. May backpack pa ako na dala para sa mga gamit ko pang design. Dala ko din si Panda na alam kong ikakatuwa ni LJ.
"Sino ang mag babantay ng The Prism?" Tanong ko kay Red habang kumakain kami sa Jollibee nag stop over kasi kami dahil naabutan kami ng Lunch.
"Si Shaun muna." Sagot nya.
"Talaga? Galing din ni Shaun noh. Ang sipag pa." Nakangiting sabi ko.
"Tss. Ako din naman ah magaling at masipag ." Bulong ni LJ sa tabi ko kaya tumawa sila Red na nasa harapan namin.
"Bakit sinabi ko bang hindi?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Bakit sinabi ko lang naman ah." Angal nya pa pero inirapan ko nalang.
"Wag kasing mag seselos agad LJ." Sabi pa ni Red pero sinamaan lang sya ng tingin ni LJ.
Pagkatapos namin kumain ay nag byahe na kami ulit. Hindi naman naging matagal ang byahe dahil di traffic. Kay LJ ako nakasabay then si Avery ay kay Red na nakasunod lang samin.
Pag karating namin sa bahay ay pumasok na kami agad. Malaki ang bahay wala syang second floor. Apat ang kwarto may maliit na sala at medyo malawak na kusina. Sakto na din para saming apat.
Pinasok ko na agad sa loob ng kwarto ko ang gamit ko. Inayos ko na din sa mga lagayan. Isang kwarto lang ang may banyo at itong kwarto ko yon. Babae daw ako kaya dapat daw na may banyo na sa loob para hindi nakakailang sakin kapag naligo.
May maliit na closet at nilagay ko na ang mga damit ko doon na good for 1week para week end ay mag lalaba ako. Ayos lang naman sakin mag ulit ng damit dahil nandito naman ako para sa trabaho.
Nilagay ko na din sa maliit na study table ang mga kakailangin ko para sa pag dedesign ng resort. Ito ang unang project ko after kong makuha ang lisensya ko kaya sobrang memorable at sobrang excited ko.
"San tayo mag dinner?" Tanong ko kila LJ ng lumabas ako ng kwarto ko dahil nandito silang tatlo sa sala.
"May alam ako na masarap kainan ng lomi dito." Sagot ni Avery tsaka tumayo na. Sumunod naman kami sa kanya. Sinugurado ko na nakalock ang pinto.
Sa sasakyan kami ni Red sumakay para daw tipid sa gas si LJ. Sa back seat kami parehas. Malapit lang naman ang kinainan namin. At tama nga si Avery dahil sobrang sarap. Ang dami pa ng serving.
"Solid!" Masayang sabi ko at bahagya ko pang tinaas ang spoon na hawak ko kaya ngumiti silang tatlo sakin.
"Sarap noh?" Tumango ako kay Avery.
![](https://img.wattpad.com/cover/279725146-288-k580613.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing The Dark Together (NU SQUAD #3)
Fiksi Umum'Yskaela Akisha Gallevo & Lincoln Jarvis Vardeleon' -NUSQUAD series#3 **The photo I used for cover is not mine. Credits to the rightful owner.