"Mang Tonyo, dyan na po. Magtetext na lang ho si sungit sa inyo kapag uuwi na siya."
Wait. What place is this? Atsaka hindi ba niya ko ipapahamak?
"Jose ha alagaan mo si ma'am. Kailangan bago mag alas kwatro ay nakauwi na kami. Siguraduhin mong hindi yan mapapahamak"
"Pinapangako ko Mang Tonyo. Tsaka hindi naman na ho baby tong ma'am niyo. Sakit sa ulo nga ho ehh"
Wow! I protected him kaya kanina! Tapos hindi pa niya naappreciate! Grabeng kakapalan na yon!
"Hey! Saan mo ba ako dadalhin? Don't tell me sindikato ka?"
"Sindikato? Ni hindi ka nga maibebenta sa black market ehh. Baka dagdag problemahin ka pa"
"Am I really a burden? Ganyan din yun--"
"Syempre joke lang. Ito naman. Wag ka ng malungkot. Gagawa nga tayo ng experiences mo diba? Kaya dinala kita dito!"
Wow. Ano yan? Ahh ferris wheel! Nadadaanan namin to ni Mang Tonyo before ehh. Ano nga bang tawag dito.
Ahh. I know na!
"PERYAHAN!"
We both shouted and then we laughed. He really had this humor na matatawa kana lang talaga.
"Pano? Tara? Saan mo gustong sumakay?"
Oh my! This is my first time and I really don't know how to react. Yung taas nong ferris wheel, hindi ba kami mahuhulog dyan? God! Marami pa akong plano sa life ko!
"Hoy! Takot ka noh?! Weak ka pala ehh. Ohh dito kana lang sa carousel."
"Sinong weak? Ehh ikaw nga tong hindi marunong lumaban para sa rights mo. Let's go sa ferris wheel"
"Mayabang ka ding sungit ka. Wait, Kuya, dalawa nga po. Thank you boss"
Psh. Normal ba talaga sa kanya ang maging Mr. Friendship. O talagang madaldal lang siya?
"Eto na nakabayad na ko. Kung sino ang masusuka at mahihilo, may parusa"
What?! That's not fair! First time ko kaya. Of course matatalo ako!
"Hoy Javier. Experiences nga diba? Bakit may consequences?!"
"Ohh akala ko ba hindi ka weak? Tsaka may first timer naman na hindi nagsusuka at naliliyo. Ano? Talo na?"
He's really full of himself! And ako magpapatalo? Sa kanya? Duh! Si Kelzy ata to!
"Dami mong sinasabi. Let's go. Humanda kana sa pagkatalo mo!"
"Asus miss sungit. Watch and learn!"
Habang nagmamayabang pa si loser ay iniwan ko na siya sa kinatatayuan namin para sumakay sa nakabukas na gate ng ferris wheel. Tss. Dami kasing dada ehh. Konting konti na lang talaga ay nagiging gay na siya sa paningin ko.
"Hoy. Nagmamadali ka ahh. Atat na atat kang matalo."
"Talk to my hand Mr. Javier."
"Bakit? Nanginginig kana ba?"
Ako? Manginginig? Of course... Not!
"FYI Mr. Javier sanay na sanay na akong paikutin ng mga gago kong ex. And eto. Wala to. Yakang yaka"
"Nagka ex ka na pala? Siguro nakahinga na ang mga yon ng maluwag"
Wow! Ang kapal. The hell with my ex's! Walang pinapagana kundi ulo sa baba!
"Funny"
I rolled my eyes at him at nang unti-unti ng umaandar pataas ang ferris wheel ay hindi ko mapigilang kabahan. Duh! First time ko kaya.
BINABASA MO ANG
Wild Lenses (Profession Series #2)
Romance*Book cover not mine. Credits to the rightful owner! Kelzy Hillary Herrera a famous model and a trouble maker. She had a boy best friend way back in college named Joselito Javier Jr, who was very opposite to her. They are best buddies for years, not...