House peek

9 1 0
                                        

"Ma'am. Madami hong naghihintay na fans sa labas pati mga reporters."

Really?! Kalalapag lang namin sa airport, and I didn't expect na madaming nakakaalam na ngayon ang balik ko ng manila.

It was a private information between my team and the clothing lines.

"Ayan na nga ang sinasabi ko bakla! Sikat na tayoo!"

"Tumigil ka nga Roxy. Ang alalahanin mo ay kung paano tayo makakaalis. Siguradong haggardo versoza na naman ang lola mo!"

Even nakahat, hoddie and glasses pa ako. I know na makikilala at makikilala pa rin nila ako.

"Kailangan mo silang harapin Z. Talk less. Kung may itatanong man sila yung mga basic info lang ang sagutin mo. Let's go"

Mamu said so we all agreed, besides wala namang ibang way para makaalis kami sa airport.

"Kuya Roger, pakisecure ho ng safety ni Z."

"Oo mamita makakaasa ho kayo"

The two baklitas at my back, ate Jodie and ate Roxy laughed, because of kuya Roger's way of saying mamita. Gosh. Feeling ko kahit ako ay maiilang kapag may tumawag na mamita kay Mamu. Sounds like a sugar mommy.

"Shut up mga bakla! Wag nyong kalimutang bokya din kayo pagdating sa mga adonis"

Matagal ng magkakilala sina Mamu, ate Jodie and ate Roxy. They said na sa pageant sa beki ng bayan sila nagkakilala noon. Ang kinaibahan lang ni ate Roxy kay Mamu and ate Jodie, is that she has a long hair. While Mamu and ate Jodie remained the boy cut, if hindi ko lang sila kilala ngayon, baka napagkamalan ko silang mga tunay na lalaki. Ang laki kaya ng tummy nila, except kay ate Roxy na may payat na katawan.

Kuya Roger and his team was now standing infront of us, kahit sa malayo ay kita ko na ang mga nagsisik-sikang mga tao and yung mga reporters na gustong makalapit sa akin.

I felt the tension and nervous when I've reached the airport's exit. Kulang na lang ay mapaurong ako dahil sa pagtutulakan ng mga tao sa labas. Some of them were holding a banner with my pictures and a letters na kinukuha ko naman sa kanila. WAHH! They're so sweet!

"Miss Kelzy. Tunay ba ang bali-balitang dahil sa business ng mga magulang mo kaya mo pinasok ang mundo ng pagmomodelo?"

"Miss Kelzy. Anong nararamdaman mo ngayon na sikat kana din katulad ng iyong mga magulang?"

"May pag-asa bang pasukin mo din ang pag-aartista?"

"Meron na bang nagpapatibok sa iyong puso?"

Shit! Why the hell sunod sunod yung mga questions nila. Nakakahilo.

"No, my family's business had nothing to do with my career. And hindi ko pa napagpaplanuhang maging artista. Besides I was enjoying my shoots, career in modeling. Also okay pa po ang aking puso. I was in love with the camera"

"Kelzy!!!! WAHH!"

"WE LOVE YOU KELZY HERRERA!"

"Kyahh!"

"Anong masasabi mo sa biglaang pagsikat ng pangalan mo"

"Tunay ba na--"

"Sorry ho pero wala nang tatanggapin pang tanong si Kelzy. Hintayin nyo na lang ho ang pormal na interview sa kanya. Maraming salamat"

"Pero Miss Kelzy--"

Wild Lenses (Profession Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon