I was now here in our studio kung saan ishoshoot ang advertisement para sa isang kilalang brand and hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Javier sa kitchen.
That time, I was so close on telling him about the threat. Pansamantala ay nakalimutan ko kung bakit hindi ko dapat ipaalam sa kanya. I was so desperate to tell him na I needed him, na natatakot ako. But things really do changed when Mori showed up to stop me from dragging Javier to my problem.
"Zzz! Alaga! May good news ako sayo! Yung designer sa NYC! Interesado sila sayo!!!"
New York? Aalis ako? Paano sina dad, yung problema dito. Hindi ako pwedeng umalis.
Bakas sa mukha nila ang saya habang hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. NYC, hindi pa Paris. I know na magandang opportunity yon pero hindi ko kayang maging masaya habang alam kong baka may ibang mangyari dito.
"Ayy bongga! Maisusuot na natin yung pangwinter bakla! Yung beauty talaga nitong alaga natin ay pang- international"
"Sinabi mo pa Roxy. Syempre si Z pa ba. Alam naman nating lahat na kakabugin nito ang kanyang mudrakels. Biruin mo kahit sa kasuluksulukan ng maynila may nagpapapicture sakin. Ang lakas talaga ni Z sa mga tao"
"Ikaw Joaqy, wala bang nanghihingi ng picture sayo ni Z? Naku, sinasabi ko na, baka pati camera mo matangay"
My face was now all over the billboard here in Manila. And this advertisement, alam kong mas dadami pa ang taong makakakilala sakin. Slowly but surely I know I was now on my way to Paris project. And NYC, alam kong mas mapapadali ang pagpunta ko sa Paris kung tatanggapin ko yon.
"Teka lang mga bakla. Okay ka lang ba Z? Tatanggapin mo ba yung sa New York?. Malaking opportunity yon lalo na sayo. Madaming designer, agencies ang manonood! Baka isa ka sa mapipili papuntang Paris!!!"
Ate Jodie was right. Mas madaming opportunity kung tatanggapin ko yung sa New York. Hindi ko na kakailanganin pang lumaban para makuha ang Paris project. Because I know, kahit sa ibang agency ako dalhin basta sa Paris okay na ako.
"Don't worry Z. May binigay namang palugit si Mrs. Jones, one week dapat nakapagdesisyon kana. Pero, alaga, kailangan pa bang pagdesisyonan yan?" They were all looking at me, in my reflection in the mirror. And I know na nangako ako sa kanila na dadalhin ko sila sa ibang bansa. I promised to get Paris project. And yes, hindi pa rin nababago ang desisyon kong yon.
"Of course not Mamu. Pero kailangan ko pa ring magpaalam sa parents ko. Si Javier. Sa mga profs ko." ...and kailangan ko ding siguraduhin kung okay lang ba na umalis ako. Kung walang mangyayaring gulo.
"Ay sus, parents at prof ba talaga? O si Jose? Ilang araw lang naman tayo don Z. Sigurado naman ako na maiintindihan ka ni Jose. Diba nga palagi niyang pinapadala sakin yung sulat. Ohh aminin. Para sa pangarap"
Mamu said and wala na akong natanggap kundi pangbubully galing sa kanilang lahat. Tsk. Kung hindi pa nagsimula ang shoot ay hindi sila titigil sa pang-ookra sa akin. Javier's my friend..... ..my special and naughty friend.
".....love yourself more, mag- cleansing na!"
"Perfect! Napakahusay! Cut na muna tayo dyan, tapos bukas, Z nasabi na ba sayo ng manager mo na kailangan mo ng partner. Bukas, continue natin with partner ha. Okay. Prepare for tomorrow"
Partner?! Agad akong napatingin kay mamu dahil sa sinabi ni Direct Martin. I thought yung brand na yon ay for girls only?
Kahit naguguluhan ay agad akong pumunta sa dressing room para magpalit, I also removed my makeup and nang matapos ako ay nasa labas na si Mamu.

BINABASA MO ANG
Wild Lenses (Profession Series #2)
Romantik*Book cover not mine. Credits to the rightful owner! Kelzy Hillary Herrera a famous model and a trouble maker. She had a boy best friend way back in college named Joselito Javier Jr, who was very opposite to her. They are best buddies for years, not...