"Bakit hindi mo sinabi sakin na aalis ka? At kay Tim ko pa nalaman. Damnit Z!"
"I was supposed to say it yesterday, pero nawala sa isip ko. Kung pinakinggan mo lang ako kanina sa studio, hindi na sana nagkagulo!"
"Wow! Pati pagsuntok ni Tim sakin mo sinisi. Sino ba nagsimula? Gumanti lang ak---"
"Na hindi dapat! You should stop yourself. Ikaw yung mas nakakaintindi"
I sighed heavily before sitting on the couch. I don't know what to say anymore. After their fight, walang imik na hinigit lang ako ni Javier palayo. Just like that, without saying anything sa mga co-workers ko. Even direct Martin witnessed kung anong nangyaring rambulan sa mismong dressing room ko. They ruined the night for me.
"Magpahinga kana. May tatapusin pa kong draft, bukas na lang tayo mag-usap" wala na akong nagawa pa ng tumalikod si Javier paalis. He looks exhausted yet dumagdag pa ako sa isipin niya. Ngayon ko lang napansin ang magulo nitong buhok, at uniform na halatang nagmamadali ito kanina. His bag was also open and mabuti na lang hindi nahulog ang ilang gamit nito sa loob.
I feel guilty, I shouldn't said that to him. I'll make it up to him tomorrow, I promised.
Hanggang sa makatulog ay iniisip ko pa rin kung paano ako makakabawi sa kanya. Should I make dinner for us, or sa isang resto na lang?! I was so excited to do things right, kaya nang magising ay hinanap agad ng mga mata ko si Javier. Sa isiping nasa kitchen ito ay doon agad ako nagtungo, balak ko sanang gulatin ito pero ako ang mas nagulat ng wala akong nakitang ni anino ni Javier. Everything in the kitchen seems untouched.
Dali-dali namang nagtungo ako sa room nito, hoping na naroroon siya, pero bumungad lang sa akin ang napakaayos nitong kwarto. His bed was well organized and hindi ko akalaing umalis na agad siya. Wala sa sariling napangiti na lang ako habang may ilang butil nang luhang umaagos sa mga mata ko. I can't help it, nararamdaman ko na naman yung pakiramdam na hinihintay ko na lang yung panahon na iiwan ako ng isang taong mahalaga sa akin.
~
"Pack your things Z! Ilang beses ko na tong sinasabi sayo. Nay Sabel pakitulungan yung bata, hon anong oras ng meeting sa board"
I don't want to leave. Ilang beses ko na ding sinabi kina mom na hindi na ako magbibigay ng sakit ng ulo sa kanila. My friends were here, my life was here. Tomorrow was my graduation day, hindi pwedeng wala ako don!
"Dad, just this once please give me a chance to prove that I can do better. Hindi na po ako tatakas, I'll beha---"
"Buo na ang desisyon namin ng mommy mo, mas mabuting doon ka muna sa Lolo mo sa batangas. Mas magtatanda ka don"
"Pero dad, how about my gradua---"
"We said no Z! And that's final!"
I feel like pinagkakaisahan ako that time. Their decision wasn't for me, it was for them. I know I'm such a burden, everyone na napapalapit sa akin ay umaalis dahil nabibigatan na silang kasama ako, even my own parents.
"Papa, kayo na ho ang bahala kay Z. She will do better here kung kayo ang kasama niya."
Mom said looking at me, I feel bad for myself. When they left, wala akong ginawa kundi ang umiyak. It was my first heartbreak. Realizing kung paano naggive up sa akin ang parents ko ay yon na ang pinakamasakit sa lahat. That's why I still do the things na magpapasaya sakin. Umaalis pa rin ako ng palihim sa bahay ni Lolo.

BINABASA MO ANG
Wild Lenses (Profession Series #2)
Romance*Book cover not mine. Credits to the rightful owner! Kelzy Hillary Herrera a famous model and a trouble maker. She had a boy best friend way back in college named Joselito Javier Jr, who was very opposite to her. They are best buddies for years, not...