Epilogue

9 1 0
                                        

"Crush ko talaga siya"

Huh? Sino ba yon?

"Sinong crush mo Pio?"

"Ayun ohh. Ganda diba"

Di ko makita. Inaalalayan yung babae ng driver. Paano ko makikita kung maganda.

"Nasan ba?"

Tsk. Nandito kami sa kabilang school. Ito kasing si Pio dinala pa ko dito.

"Yung babaeng pinapayungan."

Ahh. Mukhang maarte naman. Yan yung transferee. Galing batangas tapos pinauwi ng magulang. Narinig ko lang na binabanggit ng mga batang hamog sa labas.

"Pinagcutting mo ba ko para dyan!"

Inlove na inlove din ehh. Pag nalaman pa ni Adi na wala ako sa school. Naku, lagot na naman ako don.

"Mabilis lang to. Pinapakilala ko nga sayo yung crush ko para mabantayan mo"

Hayy. Bakit ba patay na patay siya dyan?

"Ako magbabantay? Sure akong madaming guard yan. Mayaman diba?"

"Pero hindi lahat ng mayayaman, nabibigyan ng atensyon. Mukha nga siyang malungkot ehh"

Yung totoo, nag aapply ba siyang manliligaw o magulang? Bilib din ako sa kanya, kahit hindi pa kilala grabe na mag-alala.

"Oo na. Babantayan ko na. Herrera diba?"

Paano ko naman babantayan ang babaeng hindi ko pa naman nakikita. Psh. Bahala na.

~

"Hello. My name is Kelzy Hillary Marquez Herrera..."

Herrera.

Second sem na pero may transferee pa rin. Pero pamilyar siya. Nagkita na ba kami?

"Hoy miss. Dito ohh bakante"

Teka. Inirapan niya ba ko?! Hindi. Hindi siguro to yung crush ni Pio. Mabait daw yon ehh.

"Miss sungit. Saang department ka?"

Bakit ko ba siya kinakausap? Tsk. Hindi lang pala siya masungit. Judgemental din. Sabihan ba naman akong nagtatake ng culinary.

"Jose! Kada semester pabigat ka ng pabigat ahh"

Kelan ba titigil ang mga mokong na to. Sabing hindi ako mataba, may laman lang.

"Saan ka? Next subject? Hindi ka lang pala bigatin, nerd ka pa HAHAH"

First year sem, mas okay pa lahat dahil nandito pa si Pio. Kung hindi lang ako nangako sa Nanay ko na hindi ako makikipagbasag-ulo malamang matagal ng tumahimik ang mga to.

"Wala na kasi siyang tagapagtanggol na kapitan. Yung mga varsity, hindi ka naman kaibigan. Tingnan mo ohh sina Essex. Diba wala silang pake sayo"

Tsk. Wala din naman akong pakialam sa kanila, patas lang.

"Tara na jervy mukhang napipi na tong si Jose"

Sa wakas natahimik din. Kating-kati na kong upakan sila!

Paakyat na sana ako para sa next subject ko ng makita ko si Miss Sungit sa pathway. Mukha siyang problemado habang may tinatawagan. Bakit nandito pa to.

"Miss sungit! Anong ginagawa mo dito? May next subject pa diba?"

Teka. Ano bang pakialam ko sa kanya? Hindi ibig sabihin na herrera siya ehh siya na yung crush ni Pio noon. Hindi ko siya kailangang bantayan.

Nagsasayang lang ako ng oras sa kanya. Naihakbang ko na ang mga paa ko para sana umalis ng bigla akong yakapin ni sungit.

Hindi sana kami maoout of balance kung hindi lang siya kumapit at dumikit sa polo ko.

Wild Lenses (Profession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon