Sacrifices

14 1 0
                                        

Jose's POV

"Joselito, nasaan ka ba? Kailangan mo ng bumalik may nakaline na project na sayo"

"Miss Thet, bukas na po yung flight ko pabalik. Pupunta muna akong New York para sunduin yung pamilya ko."

I'm now starting to pack my things. Hindi ko na din kailangan pang magstay dito ng matagal. Ramdam kong pinaghahanap na ko ng mga tauhan ni Mr. Young.

"Two days from now is your beach model shoot. Pinili ka ng agency at isang babae na magiging kapartner mo"

Partner?

"Sige Miss Thet. Kilala mo ba kung sinong ipapartner sakin?"

Hindi naman sa ayaw kong may babaeng itutuwang sakin. Mas okay yon, at least may bago akong makikilala.

Inaayos ko na rin ang paborito kong baril na niregalo pa sakin ni Mrs. Delacerna. May nakasulat sa handle nito na collector at hindi ko maiwasang isipin na iiwan ko na ang trabaho kong to.

"Nagtrending kasi yung story nyo before. Ni.. Teka sino nga yon.. Ahh si Kelzy."

Natigil ako sa pagpupunas, at pasimpleng tumingin sa wallpaper ng cellphone ko.

It was us, in our school uniform in FIS. Hindi ko akalaing may paggagamitan pa rin ako nito.

"Balitaan mo na lang ako Miss Thet. Kailangan ko ng ibaba"

Pagkatapos kong ayusin lahat ay nagpaakyat ako ng kape sa baba. May nirereview akong building, para sa firm na pinagtrabahuhan ko noon.

Hindi pa rin ako makahindi sa kanila, kahit na matagal na kong wala sa firm.

"These materials are substandard! You need the quality not the quantity. Wag mong gipitin yung budget, guguho to"

Ayts. Puro ba baguhan yung gumawa ng print na to.

"Relax Jose. Katulad dati ay ganyan ka pa rin. Pero salamat bro. Alam mo naman dito sa firm natin, yung mga umaalis yung kalimitang magagaling"

Kaya nga ako umalis kasi halos lahat ako na ang gumagawa.

"Hindi kana ba babalik? Sayang ka. Yung mga project mo noon, nandito pa rin sa office."

Si jaspher. Naging kaklase ko noon sa New York. Parehas kaming nagtrabaho sa iisang firm. Kaya yung mga dating na sketch ko naiwan ko sa kanya.

"Tsaka eto. Tanda mo to bro? Tinatanong ko sayo noon kung para kanino tong bahay. Ganda ohh. Ayaw mong ituloy?"

"Wag mo nga yang hawakan. Sige na. Madami pa kong gagawin"

Mabilis na inubos ko lang yung kape bago maligo at magbihis dahil balak kong kumain sa labas.

~

Pababa na ko sa lobby ng tumawag si Dex. Hindi niya pa alam na wala na ako sa grupo, siguro sulitin ko muna pagiging collector ko sa kanya.

"What did you do Dex?"

Kahapon ko pa siya kinokontak ng tumawag si Z. Baka hindi na niya ko kausapin sa magaganap na shoot.

"Nakatambay lang ako sa labas ng hospital hindi ko naman akalaing makikita ako ng chix mo don"

"Alam mo bang tumawag siya sakin kahapon, galit na galit"

Kalalabas ko lang ng hotel, at nagtaxi na lang ako papunta sa estasyon ng tren.

"Talaga? Edi ayos nakausap mo yung bebeloves mo HAHA"

"Yon na nga yung problema, mas lalo ata akong nabad shot"

Mabilis akong sumakay ng tren dahil mamaya magkakapunuan na naman. May masarap na cafe daw duon sabi ni Dex.

Wild Lenses (Profession Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon