"Are you okay?"
Hindi ko alam kung saan ako patungo. Lahat ng nakakasalubong ko tinatanong kung okay pa ba ko. Wala na kong pakialam kung makilala nila akong lahat. I felt so lonely, and lost.
Nandito ako ngayon sa parking, nakaupo habang umiiyak. Humiwalay na ko sa mga co-models ko ng bumaba ang eroplano. I was here again, ganitong-ganito ang senaryo noong iniwan ako ni Javier. At hanggang ngayon pala uuwi pa rin akong mag-isa.
"Z? Oh my god! Z what happened?"
Hilam sa luhang agad akong lumingon kay Adi. Nandito pa rin siya.
"Bakit mag-isa ka dito? Where's Lito?"
Nasa likod niya si Pau at nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya. I'm not really lucky when it comes to relationship. From Josh, to Javier. Then Tim.
"Let's go. Bakit ka niya iniwan?! I thought okay na kayo?"
Hindi ko nasabi kay Javier na wala na kami ni Tim. Masyado akong naoccupied sa oras na binibigay niya kaya hindi ko napansing iniisip niya lang kung anong makakabuti samin ni Tim. Ayaw niyang masira kami. At ngayon ko lang naintindihan yon.
"Yung totoo Z. Hindi mo na ba mahal si Lito?"
Nasa kotse na kami ngayon at hindi ako binitawan ni Adi. She was here to comfort me. Wala namang reklamo si Pau kahit na nagmukha na siyang driver dahil sakin.
Actually, hindi naman nagbago yung pagmamahal ko sa kanya. I realized na all this time galit at pride ko lang ang pumipigil na magmahal. At nang makasama ko siya sa event, doon ko nakitang mas matimbang pa rin siya.
"M-mahal ko siya Adi"
Hindi ko alam kung bakit naiiyak siya nang sabihin ko yon. Siguro dahil finally nasabi ko rin yon at hindi lang kinimkim sa sarili ko.
"I'm so happy. Pero mas magiging masaya siya kapag nalaman niya to."
Tipid lang akong napangiti sa kanya ng tumigil ang kotse sa condo building ni Tim. I'm feeling nervous right now at agad akong nagpasalamat kina Adi sa paghatid sa akin.
Nang makababa ay ilang minuto muna akong napatitig sa labas ng building habang humihinga ng malalim.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagtext ako sa kanya na nasa labas na ako ng building. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil agad akong sinalubong ng malawak niyang ngiti.
This is so painful.
"Z! God you came!"
He hugged me tightly, at mukhang handa na rin siya sa flight niya pabalik sa US.
"Akala ko hindi kana pupunta"
Pilit kong pinipigilang maiyak habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Let's have a date?"
I asked still hugging him. Pilit kong tinatagan ang boses ko habang natatawa naman itong bumitaw at agad kinuha ang mga maleta ko.
"Sure. Mamaya pa naman ang flight ko."
While he's so excited, here I am thinking how to make things go light. To make things bearable for him and for me.
"Let's go. Saan ba yan?"
Pagkatapos niyang ihabilin ang mga gamit ko ay sumakay na rin ako sa kotse niya. I want to have a chill night with him sa roof top. Far from the judgements of people. Malayo sa mata ng lahat.
Nagtataka pa siya kung bakit gusto kong makipag date sa kanya sa roof top pero hindi na lang ako sumagot. Feeling ko any moment ay maiiyak ako sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Wild Lenses (Profession Series #2)
Romance*Book cover not mine. Credits to the rightful owner! Kelzy Hillary Herrera a famous model and a trouble maker. She had a boy best friend way back in college named Joselito Javier Jr, who was very opposite to her. They are best buddies for years, not...