Trials

7 1 0
                                        

All of the sudden ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Gosh. Nakababa na kami sa eroplano at naghihintay na lang ng sasakyan paalis.

I wanted my parents to fetch me that's why, I declined different cars na rin na tumitigil sa harapan namin ni Mori. Even the agencies service car.

"Alaga hindi ba tayo masisita dito? Darating ba ang paren---"

"Yes mamu. Darating sila"

The sky was so dark. Mukhang pati siya nararamdaman yung pinagdadaanan ko.

"Z. Matatagalan pa sina Tito. Their secretary said na nasa board meeting pa sila. Let's just wait them sa mansyon nyo"

I won't. Maghihintay ako.

Actually akala ko aalis na kami kagabi sa New York. Pero hindi, lumipat lang kami ng hotel na matutuluyan para sa gabing iyon. But now na nasa manila na ako. Mas lalo kong nafefeel na may kulang sakin. There's a little space in my heart na alam kong naiwan sa NYC.

"The rain poured heavy water. Ayoko pang umalis"

Sa waiting area kung saan malimit kaming tumambay noon ako naupo. OA pa si Mamu na agad lumapit para takluban ako sa mga taong dumaraan. As if they will notice me.

"You're waiting him don't you?"

Mori, as always my no filter friend. Kilala niya talaga ako.

"No"

Maybe yes naghihintay ako pero hindi ako nag-eexpect. Maghihintay ako hanggang sa hindi ko na kaya pang maghintay. At least I tried, at least wala akong pagsisihan sa huli.

Gustong gusto ko siyang tawagan, i-text. To beg for his forgiveness. Handa na kong akuin yung kasalanang hindi ko naman talaga ginawa. Just for him to be back. But i know, it will make me less. At ayokong bumalik siya dahil sa awa.

"Don't love him that much Z. Nakakaubos yan"

That is the saddest part. Kung kailan handa ko na siyang mahalin. Doon naman siya nawala.

I'm wondering if in the short span na nakasama ko siya, naiparamdam ko kaya kung gaano siya kahalaga? Maybe that is one of the reason kung bakit ang bilis niyang umalis. And I regret it.

"Would you let me go have some walk outside?"

I needed to wash this pain away. Yung hindi makikita ng lahat ng tao yung mga luha ko.

"You really changed, alot. You always do the things na gusto mo. But now, natuto kana ding magpaalam"

Cheesy! Si mori ba talaga to!

"And ang talkative mo ngayon"

We both laughed, before running under the rain. Walang nagawa sina Mamu, dahil hindi sila pwedeng mabasa.

"Now cry. I'll support you bitch"

Whoa! I'm free! Ito yung kalayaang kahit kailan hindi ko hiniling. I never imagined na darating sa punto na hindi naman kami mapapagod sa isa't isa. Pero maghihiwalay pa rin.

"Hey, Pio. Are you happy? Masaya ka ba dyan? Ako, sa tingin mo masaya ba ko?"

I love your friend. I really do. Kaso wala na, nahuli na ko.

"Masama ba kong tao? Sinaktan ba kita? Grabe yung parusa Pio ahh. Deserve ko ba to?"

Tatawa then iiyak. Gosh. Buti na lang walang masyadong tao sa labas ng airport. Siguro iisipin nilang nasisiraan na ako ng bait dahil sa pagkausap ko sa langit.

"Gago yung kaibigan mo iniwan ako. *Sniff. G-gago siya. *Sob"

I thought wala na akong iluluha pa. But everytime na naiisip ko kung paano ko siya iniwan sa beach. His down and lonely face. Kung paano ako tumakbo palayo sa kanya. Doon ko narealized na hindi ko siya dapat iniwan. Sana naghintay pa ko ng ilang minuto para mabago ko yung desisyon niya. Sana nasabi ko man lang kung gaano ko siya kamahal. Ang daming what if's. And yeah, laging nasa dulo talaga ang pagsisisi.

Wild Lenses (Profession Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon