Kabanata 27

435 9 0
                                    

Kabanata 27
New Beginning

------
------

After that incident happened just like a blur, bumalik lahat sa dati pero ngayon may kakaiba na. My Mom surrendered herself to the police. Ni isa sa katiting na pangalan ko hindi niya binanggit sa bawat hearing na mayroon siya. Pero sa tulong ng mga kapamilya ni Astrion at Averil nagawa niyang makalaya.

Tahimik akong tumitig sa bawat alon ng dagat. Sobrang nakakarelax at sobrang tahimik ng lugar na ito maliban sa mga alon na madidinig mo.

Naalala ko ang nangyari dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi ako makapaniwalang makaka experience ako ng mga ganoong bagay. Sa tuwing nagkekwento ako sa mga nagiging kaibigan ko rito palagi silang tumatawa na akala mo ay nagbibiro lamang ako.

Ipinagkikibit ko nalang iyon ng mga balikat. Umalis ako sa maynila at bumalik sa probinsya namin kung saan ang una kong kinilalang pamilya pero wala na sila doon. Tanging mga katulong nalang ang andoon at sila daw ang nag mamanage ng taniman at mansion na pagmamay-ari nina Inay.

Umalis sila patungong America para doon pag-aralin si Jayson. Masaya at nakakaginhawa na marinig na nasa America na si Jayson na noon ay pangarap lang namin pareho.

"Valentina!" Bumalik sa realidad ang isip ko ng madinig ang sigaw na iyon. Si Aleza iyon na katrabaho ko sa café.

Lumapit siya saakin at tumabi ng upo. Si Aleza ang lubos na naging sandalan ko at naging teacher ko sa mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko. Nakilala ko siya sa bus na sinasakyan ko at pareho pala kami ng pupuntahan.

"Ano bang ginagawa mo rito?! Girl, Nakahanap na ng pamalit sa'yo. Kailangan mong i-train iyong bago, bago ka bumalik ng maynila."

"Ang bilis naman?! Ganun na ba kagusto ni boss na palayasin ako sa café niya, ha?! Parang kahapon lang nung sinabi kong magreresign na ako ah!" Malakas na tumawa si Aleza sa pagmamaktol ko. Oo, kahapon ko lang sinabi tapos may pamalit agad?!

"Gaga! Gwapo si Boss malamang bawat costumer sa café gugustuhing maging boss yung kumag na iyon." Tama nga naman siya. Sa bawat araw na nagsserve si Kandrex sa café palaging tinatanong saamin kung sino iyon at kapag sinasagot namin ng 'Boss namin, Ma'am.' laging dugtong na tanong ay 'Hiring ba kayo? Pwede pa apply?' Tinatawanan nalang namin 'yon ni Aleza.

"So anong balak mo? Magpapakita ka na sa mga anak mo?" Agad na tanong niya matapos kaming magtawanan. Alam niya ang nangyari saakin at siya lamang iyong taong ni minsan hindi ako tinawanan sa mga kwento ko.

Tumango ako. Ni isang paalam sa mga anak ko wala akong ibinigay. Kusa nalang akong umalis nang maramdaman kong parang may kulang sa sarili ko. Kahit buwan na ang lumipas noon kahit magkaayos na kami ni Collin noon parang di parin sapat. Parang may mali sa sarili ko.

"Gusto ko sanang isama ka pa maynila kaso naalala ko, Andoon pala ang iniiwasan mo."

"Alam mo kung bakit tayo magkasundo. Alam mo kung bakit alam ko ang nararamdaman at mga naranasan mo." Oo, Aleza was an Assassin. She was given a mission to kill the Business tycoon Abranica's son that happens to be her lover. It has been so hard for her to decide on what to do but in the end she chooses to harm herself to get herself out of that organization.

"Simple ang buhay natin rito, Valentina. Tahimik, nakakarelax, masaya sa trabahong meron tayo. Bakit hindi mo nalang sila tawagan at dito na manirahan?" Alam ko ang ibig niyang sabihin. Aleza's just worried about me. Alam niya kung paano umikot ang mundo ko dahil ganun din ang ikot ng mundo niya.

"No." Tanging naisagot ko sa mga sinabi niya.

"Okay. Atleast solo ko na si Boss. Sumubaybay ka lang, magiging jowa ko yang Boss natin." Tumawa ako sa joke niya. Sa gitna ng seryoso naming paguusap nagawa niya pang mag bitaw ng mga biro para maalis ang awkward na atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Mr. Billionaire's Baby Maker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon