Sabi Nila, Pero Ayaw Ko

0 0 0
                                    

Sabi nila,
Ang babae ay dapat mala prinsesa,
Iyong puro pagpapaganda ang ginagawa,
Iyong siguradong panalo pag rarampa.

Sabi nila,
Pag babae ka,
Ang dapat nilalaro ay manika,
Hindi iyong nakikipag barilan sa ibang bata.

Sabi nila,
Kung ikaw ay Eba,
Si Adan ay pagsilbihan sa abot ng makakaya,
Dahil ang babae ay mas mababa.

Sabi nila,
Ang babae ay nasa bahay at naglalaba,
Laging gigising ng maaga at ipagluluto ang asawa,
Lahat ng damit ay dapat ipaglaba.

Pero, paano kung ayaw ko?
Ayaw ko na tinuturing na prinsesa,
Ayaw ko na puro pagpapaganda ang ginagawa,
Ayaw ko na rumampa sa lahat ng madla.

Paano kung ayaw ko?
Ayaw ko na maglaro ng manika,
Gusto ko makipaglaro sa ibang bata,
Gamit ang laruang baril na binili ni Tatay sa perya.

Paano kung ayaw ko?
Ayaw kong maging mahinang Eba,
Ang isang Adan ay hindi ko kilala,
Dahil ang babae ay hindi mahina.

Paano kung ayaw ko?
Ayaw kong manatili lang sa bahay at maglaba,
Ayaw kong humanap ng asawa na ipagluluto sa umaga,
Ayaw kong pati damit ng iba ay aking ipaglalaba.

Sabi nila,
Babae ka kaya ikaw ay mahina,
Pero sabi ko,
"Ibigay mo ang baril at ako'y magsusundalo."

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon