Kaibigan Lang Pala

8 2 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa simpleng "hi" at "hello"
Sa unang pagkakataon
Ako ang kachat mo
Sa Messenger na minsan ko lang tambayan noon.

Nag-usap tayong dalawa
Na para bang matagal na tayong magkakilala
At doon nagsimula
Ang kwento nating dalawa.

Sa paaralan
Palaging tayo ang magkasama
Mga kasiyahang walang hangganan
Na para bang walang makakapaghiwalay saating dalawa.

Hindi ko alam kung ako lang ba?
O sadyand may kahulugan bawat bitaw mo ng salita
Mga trato mo,
Na nagpaparamdam na espesyal ako.

Tuwing magkasama tayo dalawa
Pra akong prinsesa
Ramdam ko ang pag-iingat mo saakin
Na para bang isa akong babasaging salamin
Na kapag hinawakan,
Mababasag agad ang aking katawan.

Nagpatuloy ang iyong pagpaparandam
Hindi ko namamalayang gusto na pala kita
At hindi ko na alam
Kung paano ito patitigilin pa.

Kaya isang araw nakapag desisyon na ako
Tatanongin kita kung ano ba tayong dalawa
At kung itong nararamdaman ko,
Ay kapareho ng iyong nadarama.

Dumating ang araw na tinanong kita
"Ano ba tayong dalawa? "
Ngunit ika'y natawa
Sabay sabing "Ano bang sinasabi mo, bestfriend kong maganda? "
Na nagpawasak sa aking nadarama
At parang ang puso'y pinunit-punit pa.

Kaibigan lang pala
Hindi ko alam na masakit ang umasa
Dahil nag assume ako,
Na mayroong tayo
Pero ganyan ka na talaga
Sa mga kaibigan mong mahalaga.

Siguro pipiliin ko nalang itong namamagitan sa ating dalawa
Ang pagkakaibigan
Dahil wala nang mas hihigit pa
Sa pag-iibigan ng dalawang magkaibigan.

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon