Sa susunod na buwan ng pag-ibig,
Ayaw ko na ng mga salitang korni pero nakakakilig,
Ang mas gusto kong marinig?
"Mag-mask ka, nasa pandemya ang ating daigdig."Kasi imbes na tsokolate,
Mas gusto ko iyong rubbing alcohol na hugis puso ang bote,
Imbes na bulaklak na tig bente,
Mas gusto ko ng face shield kahit nabili lang sa palengke.Kasi ang mas mahalaga?
Iyong sabay-sabay ngingiti pagkatapos ng pandemya,
Iyong puwede nang mag-yakapan ang bawat isa,
Iyong sa COVID19 ay hindi na tayo mag-aalala.Dahil sa panahong ang mundo ay nasa kalamidad,
Pagtutulongan ay dapat ilahad,
Sapagkat kailangan nating umusad,
Malasakit katumbas ng pagmamahal ay igawad.
![](https://img.wattpad.com/cover/174607012-288-k238478.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Thoughts
شِعرThey say, "A single soul has million thoughts running inside their mind." And so, these are mine.