Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito, Walo, Siyam, Sampu.
Sampong buwan na ang nakalipas,
Pero sa isip ko'y hindi ka naka ligtas
Sampong buwan na
Pero sa puso ko'y hindi ka mabura.Iniisip kung bakit nagka ganito?
Iniisip kung nasaan na ang tayo?
Ano ba kasi ang nangyari?
Saan ba ako nagkamali?Siyam,
Siyam na sampal,
Ang nakuha ko mula sa mga kaibigan kong nabiyayahan ng palad na makapal
Masakit, Oo,
Pero ito'y para sa ikabubuti ko.Ang mga kaibigan ko'y nandiyan parin,
Pilit na ipinapaalala kung anong idinulot mo saakin,
Pilit na ginigising mula sa aking panaginip,
Panaginip na ika'y nandiyan parin.Walo,
Walong beses akong nagtangkang
magpakamatay,
Dahil sa sakit na bumabalatay,
Dulot ng ating paghihiwalay,
Sa kadahilang ika'y nauumay.Bakit, ano ba'ng wala ako na meron siya?
Dahil ba sa hindi ako maganda at pangrampa?
Dahil ba hindi ko naibibigay ang kailangan mo bilang lalaki sa kama?
O dahil ang pagmamahal ko'y wala lang talaga?Pito,
Pitong taon nang tayo,
Pero sayo'y parang wala lang ito,
Na para ba'ng hindi ka apektado,
Na para ba'ng hindi ka masaya sa piling ko.Pasensya ka na ha, kung hindi ko naibibigay ang gusto mo?
Kasi naniniwala ako na may tamang panahon para dito,
Pero hindi ka nagpa awat,
At sa iba mo ibinuhos ang iyong lahat.Anim,
Anim na oras akong naghintay,
Sa unang tagpuan natin'g saya ay bumalatay,
Pero hindi ka dumating,
Sinubukan kitang tawagan pero ito'y patuloy sa pag-ring.Napa-upo nalang sa swing,
Pilit na iniintindi ang gusto mo'ng iparating,
Ngunit ang mga taksil na luha'y bumuhos parin,
Kasabay ng pagbuhos ng ulan na sa hula ko'y nakikiramay saakin.Lima,
Limang oras akong nagbabad ng alak,
Inaalala ang mga oras na pareho tayo'ng masaya at galak,
Ngunit hindi ko akalain na ang kapalit ng saya at galak,
Ay didiresto sa pusong wasak.Winasak mo na nga yung puso ko,
Pati ba naman ang pangarap ko sinira mo?
Okay na sana ehh, kaso....
Nakalimutan ko,
Ibinigay ko na pala lahat ng meron ako,
Kaya noong iniwan mo ako, walang wala ako.Apat,
Apat na beses ko kayong nahuli sa kama,
Hubot hubad at walang saplot na,
Gulong gulo ang inyong mga buhok habang naghahalikan,
Ang inyong mga kamay ay naglalakbay sa bawat parte ng katawan.Paulit-ulit na nadidinig ang inyong mga ungol na parang bang sirang plaka,
Dulot ng nalalasap na matinding pagnanasa,
Ganon ka na ba ka-kati?,
Para humanap ng bukas na kuweba na pwedeng pasokan ng iyong pag-aari?
Pero ako naman itong si tanga,
Nagbubulag-bulagan at pinatawad ka.Tatlo,
Tatlong salita pero ni minsan hindi mo man lang masabi saakin
Oo nga pala, ako lang naman itong si MISS ASSUMING,
Na binibigayan kahulugan ang bawat sulyap saakin,
Pero ang totoo ganong ka lang talaga, kahit na ulit-ulitin.Yung mga pag hatid-sundo mo sakin,
Yung mga pagbibigay ng rosas tuwing dumadalaw sa bahay namin,
At yung walang humpay na pagpapakilig at pagpapatawa,
Bigla nalang nawala,
Dahil ang totoo, sa mga KAIBIGAN mo ay ganong ka lang talaga,
Sweet at caring pa.Dalawa,
Ito yung tayong dalawa,
Tayong dalawa na magpapatunay na ang forever ay meron talaga,
Tayo na ikaw at ako pero meron siya
Siya na sumira sa ating dalawa.Dumating siya at pasimpleng inagaw ka,
Inakit at inimbita sa bahay niya,
At ikaw namang si marupok,
Bumigay at nagpatinanod sa makamandag na pagsubok.Isa,
Isa nalang talaga bibitawan na kita,
Dahil ubos na ang aking pasensya at pagod na ako sa pagpapakatanga,
Pagbilang ko ng sampo,
Suko na ako.Ngunit ako yata ay pinagpala ng langit,
Dahil sa ika-limang beses ko kayong nahuli ikaw na mismo ang lumapit,
Sinabing nakikipag hiwalay ka na saakin,
At ibinigay ko naman ng walang pag aalinlangan habang diretsong nakating sa iyong mga mata.Sa mga oras na 'yon dapat ay nakakaramdam ako ng sakit,
Pero ako yata ay namanhid
Dahil kahit na anong emosyon ay wala akong maramdaman
Siguro ganon lang talaga,
Dahil sobrang sakit na, wala ka nang mararamdaman.Hanggang ngayon inaamin ko,
Wala paring nakakapantay sa pagmamahal ko sayo,
Pero meron nang naka higit,
Na para ba'ng siya'y hulog ng langit.Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito, Walo , Siyam, Sampu.
Mahigit Sampong taon na ang nakalipas at masaya na ako sa pili niya,
Masaya na ako sa bisig niya,
Walang araw na hindi nagkukulitan at nagtatawanan kasama siya,
Walang araw na hindi nakangiti habang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng bituin habang kayakap siya.Ang mga pagkakataong pinag mukha mo akong tanga?
Ang mga sakit na ipinaranas mo mula noong ikaw ay mangaliwa?
At ang paghihirap na aking nadarama?
Wala na iyon'g halaga.Dahil sayo nahanap ko siya,
Dahil sayo ako'y naging masaya,
Masaya kapiling siya,
Kaya maraming salamat talaga.
BINABASA MO ANG
Her Thoughts
PoesíaThey say, "A single soul has million thoughts running inside their mind." And so, these are mine.