Ang Kalayaan Ay Isang Karapatan

0 0 0
                                    

Isang salita na may pitong letra,
Hindi pa natin kayang ipakita,
Bawat kasariang nadarama,
Respeto lang naman ang inaakala.

Babae, hindi por que gustong maging pulisya,
Hindi ibig sabihin ay hindi nila kaya,
Ang pagiging matapang ay hindi lang nakatala,
Sa mga Adan na malalaki ang sandata.

Babaeng ang gusto ay kapwa babae,
Huwag sanang pamgunahan ang imahe,
Dahil hindi natin alam ang detalye,
Ang pag-iibigang nabuo sa karwahe.

Lalaki, hindi por que nag-aalaga sa mga bata,
Hindi ibig sabihin ay mahina,
Mga gawaing bahay ay hindi naka tala,
Sa mga Eba na mahilig kumanta.

Lalaking ang gusto ay kapwa lalaki,
Huwag sanang pakitaan ng ngiwi,
Dahil hindi natin alam ang saya sa bawat ngiti,
Ang pag-ibig ay walang kasariang pinipili.

Babae, lalaki, parte ng LGBTQIA+ community,
Ano man ang kasarian,
Lahat ay may kalayaan,
Na gawin ang kung ano mang mithi.

Respeto lang naman ang kailangan,
Huwag nang makipagbangayan,
Ang kalayaan ay isang karapatan,
Ano man ang ating kasarian.

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon