Mahal

2 0 0
                                    

Mahal,
Sana alam mo na ikaw yung correction tape sa lahat ng pagkakamali ko,
Yung libro sa likod ng kaalaman ko,
Yung tazer sa lahat ng tapang ko,
Yung bread sa pagiging cheesey ko,
At yung chocolate sa pagiging sweet ko.

At Mahal,
Sana alam mo rin na pwedeng ako yung maging tissue sa lahat ng luha mo,
Yung first aid kit sa lahat ng sugat mo,
Yung defense item sa lahat ng damage taken mo,
Yung comfort food sa lahat ng bad days mo,
At yung kumot sa gabing nanlalamig kayo.

Pero Mahal,
Kung hindi pa halata na mahal kita,
Heto na't sasabihin na,
Magmamakaawa na,
Sana kahit isang beses ay makiga mo ang aking halaga.

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon