Pakana Ni Tadhana

8 2 0
                                    

CRUSH,
Isang salita na naglalaman ng limang letra
Isang salita na ang ibig sabihin ay paghanga
Paghanga na akala ko hanggang doon lang talaga
Pero ang puso'y kabaliktaran ang nadarama.

Noon, kontento na ako sa paninitig sayong litrato,
Noon, kontento na akong nakatingin mula sa malayo,
Noon, masaya na ako tuwing nakikita kitang masaya,
Noon, masaya na ako para sa inyong dalawa.

Pero sh*ts happened,
Everything seems to be fvcked up
Nalaman ko nalang na you two just broke up
And that's the day you become opened.

Naging masayahin ka at palakaibigan bigla
Sa katotohanang pati mga kaibigan ko'y kaibigan mo na
Hanggang atensyon mo'y saakin dumapo
At doon nagsimula ang ating kwento.

Ngayon, malaya na akong lapitan at titigan ka
Ngayon, halos hindi na tayo mapaghiwalay pa
Ngayon, sabay na tayong tumatawa
Ngayon, masaya na ako sa kung anong meron sa ating dalawa.

Ngunit akala ko dito na magtatapos ang kwento nating dalawa
Hindi pa pala nagsisimula
Dahil ang totoo talaga,
Hindi ikaw yung lalaking bida.

Simula noong nakilala ko siya
Parang nag-iba ang ihip ng hangin
Hindi ko alam kung ako lang ba?
O talagang iba ang epekto niya saakin.

Tuwing ako'y tumitingin sa kanyang mga mata,
Para akong hinihigop bigla
Na para akong nahihipnotismo
Na dapat siya lang ang tinitignan ko.

Tuwing siya ay malapit na,
Para akong nasa isang karera
Bumibilis ang tibok ng aking puso
At alam ko na agad kung ano 'to.

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito
Basta ang alam ko,
Iba ang nararandaman ko sakanya kumpara sayo
Dahil hindi ito pagkakaibigan gaya ng ibinibigay ko sayo.

Habang tumatagal maraming nagbabago
Hindi ko alam kung napuwing ba si Kupido
O sadyang kami talaga hanggang sa pahinang ito
At sigurado akong si TADHANA ang may pakana ng lahat na ito.

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon