Aking mga kaibigan,
Halina at pakinggan,
Ang aking panawagan,
Respeto sa bawat kasarian.Ang mga babae ay hindi mahina,
Kayang-kayang makipag-karera,
Sa larangan ng pagiging mandirigma,
Kung sana lang ay bigyan ng pag-asa.Ang mga lalaki ay hindi mahina,
Kapag sila ang naging ina ng pamilya,
Kasi hindi naman tayo ang nasa sitwasyon nila,
Huwag sanang gawing mababa ang pagkatao nila.Pagiging LGBTQIA+ ay hindi kailan man naging mali,
Kasi hindi naman nila ito pinili,
Hindi sila nakakadiri,
Itatak natin sa ating sarili.

BINABASA MO ANG
Her Thoughts
PoesíaThey say, "A single soul has million thoughts running inside their mind." And so, these are mine.