Kung Ang Pag-Ibig

2 0 0
                                    

Kung ang pag-ibig ay simpleng matamis na asukal,
Hindi ko nanaising magpakasal,
Dahil hindi iyon ang aking ipinagdarasal,
Gusto ko iyong may katumbas na gandang asal.

Kung ang pag-ibig ay pag-aalala sa kapwa,
Iyon ang mas gusto kong makuha,
Dahil ang pag-ibig ay pananatiling ligtas sa sakuna,
Lalo-lalong na ngayong pandemya.

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon