Panitikan Nga Ba?

2 1 0
                                    

Isang bagay na ating nakasalamuha,
Isang mapalad at kamangha-manghang paksa,
Isang obra na mala mahika,
Panitikan nga ba?

Pagbabahagi ng ating mga ideya,
Mga pangyayaring ating nilikha,
Mula sa ating imahinasyon na kakaiba,
Panitikan nga ba?

Pinag-iisipan at inaanalisa,
Mga salitang nagmamarka,
Binabasa ng ating mga kapwa,
Panitikan nga ba?

Parang diwatang may salamangka,
Parang inaakit ka rin bigla,
Sa pagbabasa'y ika'y hinahasa,
Panitikan nga ba?

Nagtatanghal ng moral sa ating mga mata,
Mga puso ay bumubuka,
Salamat sa may akda,
Panitikan nga ba?

Sumasalamin ng pagkakapareho at pagkakaiba,
Nagbibigay kaalaman sa iba't-ibang kultura,
Pinalilinaw ang ating paniniwala,
Panitikan nga ba?

Ito'y maaari rin'g sandata,
Maaari rin'g panangga,
Instrumento sa pakikipag-isang damdamin sa iba,
Panitikan nga ba?

Ito ay mahalaga,
Karanasan ay ipinapakita,
Sa lipunan nagbibigay importansya,
Panitikan nga ba?

Sa ating mga ninuno'y nagmula,
Panahon pa ng mga kastila,
Kung ito lang ay ating bigyan'g aruga,
Panitikan nga ba?

Hindi basta basta,
Hindi dapat binabalewala,
Panitikan nga ba?
Oo, tiyak, panitikan nga.

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon