Isang Gahala

3 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba?
Nung sabay tayong kumakanta,
Sa mga tugtuging makaluma,
Kahit tono'y di gaanong maganda.

Nangangarap na balang araw,
Puso'y ako pa rin ang sinisigaw,
Pumipikit pagdating ng bulalakaw,
Dinggin ang pusong humihiyaw.

Naaalala mo pa ba?
Nung sabay tayong nagbabasa,
Ninanamnam ang bawat pahina,
Nung panahong tayo pa ay masaya.

Nangangarap na habang buhay,
Tayo pa rin ang magkaagapay,
At ating kuwento'y isasalaysay,
Sa bawat batang naghihintay.

Ngunit hindi man tayo perpekto,
Pero ang lahat ng iyon ay totoo,
Hindi ko alam kung bakit tayo sumuko,
Iyong dahan-dahang lumayo.

Ngayo'y masaya ka na sa iba,
Kahit pangako noo'y ako lang ang sinta,
Pero mahal, minahal naman kita,
Magbilang ka man ng isang gahala.

Kaya ako'y magpapatuloy na,
Kakalimutan na ang mga ala-ala,
Mahal, ako'y lalakad na,
Kahit abutin pa ng isang gahala,

Her ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon