Nakakatawa,
Na isipin kung pano tayo nagsimula,
Sa mga banat at asaran nating dalawa,
Na para bang merong tayo pero wala talaga.Ngingiti,
Tatawa bigla,
Kukurotin ka,
Pasimpleng landi.Tinutukso ng mga kaklase natin,
Sinasabayan ang mga tukso nila,
Pero pag tinanong kung anong meron satin,
Laging sagot ay "Wala".Ano ba ito?
Taguan ng nararamdaman?
Ako muna ang taya, pagkatapos ay ikaw naman?
Nakakasawa sa totoo lang.Kaya nga noong naging tayo,
Sobrang saya ko,
Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,
Dulot ng malambot na labi mo.Wala namang nagbago,
Ganon parin tayo,
Pangiti-ngiti,
Pasimpleng landi.Pero alam nating dalawa,
Na merong "Tayo" na.Pero habang tumatagal tayo,
Maraming nagbabago,
Kumbaga sa pelikula,
Sila yung kontrabida.Lagi kong sinasabi na "Sige, okay lang.",
Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang umiyak, sa totoo lang.
"Nagseselos ako."
Naiintindihan mo ba ako?,
Simpleng salita lang yan,
Di mo pa maintindihan.Yayakap, hahalik, at sasabihing "Babawi ako."
Pero nasan na yung pambabawi mo?
Kinain na ba ng kalabaw?
O pati kalabaw di na ito makain,
Dahil nga non-existent ito?
Naiiyak na ako."Cool-off",
Dalawang salita na pumuno sa galit ko,
Yan lang ang sasabihin mo matapos lahat ng sinabi ko?
Ang gusto ko lang naman ay yung oras mo,
Ang gusto ko lang naman ay yung maramdaman na priority mo parin ako,
Ang gusto ko lang naman ay yung maramdaman na mahal mo parin ako,
Girlfriend mo parin naman ako, diba?"Pakawalan mo na ako."
Teka, paki ulit nga.
Seryoso ka ba?
Sabi mo wala kang karapatan na bitawan ako,
Pero sasabihin mo ring pakawalan na kita?Pwede mo namang sabihin na mahal mo siya,
Para naman mas madali di ba?Pero siguro tama sila,
Panahon na siguro,
Para sarili ko naman ang isipin ko,
"Pinapakawalan na kita."Pinag isipan nating dalawa,
Pareho nating gusto.
At sa huling pagkakataon na hawak natin ang isa't-isa,
Isang yakap ang ibinigay mo,
Sabay lakad palayo sa magkabilang direksyon,
Na walang lumilingon.Mahirap sa umpisa,
Pero kinakaya,
Dahil mula noong ang "Tayo" ay wala na,
Ang buhay ko'y naaayos na.Walo? Siyam? Sampu?
Ilang taon na ba ang lumipas?
Pero balewala ang mga taon'g iyon,
Dahil sa isang tingin mo lang.Yung paghihiwalay natin noon?
Parang balewala lang iyon.
Wala paring nagbago,
Ganon parin tayo,
Pangiti-ngiti,
Pasimpleng landi.Pero alam nating dalawa,
Na heto na talaga.

BINABASA MO ANG
Her Thoughts
PoetryThey say, "A single soul has million thoughts running inside their mind." And so, these are mine.