Kapag ba ang isang bagay,
May masamang epekto na naibigay,
Babalewalain na lang ba natin ang kulay?
Paano kung nakatulong naman ito ng tunay?Unahin natin ang mga dahilan,
Kung bakit ang globalisasyon ay pinagdududahan,
Akala mo hindi pinakinabangan.
Masasamang epekto, ipinaglalaban.Kung ang isa sa mga dahilan,
Ay ang pagkawala ng mga puno at halaman,
Bakit kadalasa'y mismong mga mamamayan,
Ang dahilan kung bat nasisira ang ating mga yaman?Sinisisi ang globalisasyon,
Na siyang dahilan daw ng ganitong aksyon,
Ngunit nandito ang tatlong dimensyon,
Loitering, illegal logging, at deforestation.Maaaring parte ng globalisasyon,
Ang sinabing tatlong dimensyon,
Ngunit alalahanin nang may disiplinasyon,
Mga mismong tao ang gumagawa ng ganitong aksyon.Pangalawang maaaring dahilan,
Pagkakaroon ng teknolohiya sa ating bayan,
Tinuturing na parang kaaway ng mamamayan,
Para namang hindi pinapakinabangan.Globalisasyon ay pinag-iinitan,
Dahil teknolohiya'y kinakaadikan,
Nang halos lahat ng kabataan,
Kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan.Oo, pag-asa ng ating bayan,
Dahil sila, kami, ang magbubukas sa inyong mga isipan,
Na ang globalisasyon ay may dalang kabutian,
At hindi lang puro kamalasan.Kung papaabutin ko pa sa tatlo,
Sana naman ay magbago ang pananaw niyo,
Ang globalisasyon ay hindi lang puro gulo,
Dahil ito ang dahilan kung bat may kaalaman tayo.Kung globalisasyon ay puro masamang epekto,
Bakit patuloy na umiikot ang mundo?
Bakit may mga taong maganda ang trabaho?
Bakit nakakapasyal pa sa iba't-ibang parte ng mundo?Hindi ko na papaabutin pa sa tatlo,
Kung bakit globalisasyon ay pinag-iinitan ng ulo.
Ano man ang nasa mga isip niyo,
Sana ay magbago pa ito.Huwag sanang sisihin ang isang ideya,
Na hindi porke may masamang epektong ipinakita,
Ay hindi na ito nakatulong sa mga madla,
Alalahanin, globalisasyon ang dahilan kung bakit may Facebook ka.
![](https://img.wattpad.com/cover/174607012-288-k238478.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Thoughts
PuisiThey say, "A single soul has million thoughts running inside their mind." And so, these are mine.