Isa, dalawa, tatlo
Ilang beses mo na ba akong niloko?
Hindi ko na mabilang kung magkano
Sapagkat ang puso kong ito,
Ilang beses nang nawasak dahil sayo
Apat, lima, anim
Sugat ko'y lumalalim
Palalim ng palalim
Hindi ko na alam kung gaano kalalim
Hanggang sa kainin na ako ng dilim
Pito, walo, siyam
Paaabutin pa ba hanggang siyam siyam?
Mga walang hangganang liham
Mga ebidensiyang ika'y nangaliwa,
Dahil sa matinding pagnanasa
Sampo,
Pagbilang ko ng sampo,
Nakatago na kayo,
Dahil sa pagmulat ng mga mata ko,
Kaalimutan ko na ang istorya nating nabuo.
BINABASA MO ANG
Her Thoughts
PoetryThey say, "A single soul has million thoughts running inside their mind." And so, these are mine.
