New School but Same Family

164 4 0
                                    

Mia's POV: 

              So ayun, natapos na nga yung Sophomore life ko, and andito na rin ako sa bagong school ko, sa Brent International School. Magmula sa school na napaligiran ng maraming hotels at mga bahay, nailipat ako sa school na napaligiran ng mga puno. Haay... Sobrang naninibago talaga ako, gusto ko nang bumalik sa Pines! Marami naman akong naging mga bagong kaibigan dito, pero wala paring papantay sa samahan ng Quadro siblings. Namimiss ko na sila sobra, lalo na si Linus. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita kita, nagpalit na kasi ako ng number, eh pano nawala yung unang cellphone ko, and nandoon lahat ng contacts ko, ugh. Wala din naman kasi akong time dumalaw sa Pines, aside from bawal lumabas doon sa private school na yun every break time, late na din akong nadidismiss, haay ano ba yan. Panay Koreans pa andito sa school na toh, pero marami paring pinoy. Pero grabe wala pa sa kalahati ng population ng Pines yung population ng Brent. Hindi na rin masyadong nakakadalaw sila Athena sa bahay pati na din si Linus unlike before, busy na ata eh. Haay. Nagkaroon din kami ni Linus ng konting hindi pagkakaintindihan, nagtatampo siya kasi hindi ko na daw siya masyadong napapansin, kesyo masyado na daw akong masaya sa private school. Grabe, dalawang buwan kaming hindi nagkita-kita at walang contact, nung summer naman kasi eh sinama ako nila mommy sa Australia mag bakasyon ng isang buwan. Kelangan kong dumalaw sa Pines, bukas na bukas din, tamang-tama half day lang kami kinabukasan.

                Kinabukasan, pagka dismiss sa amin, agad-agad akong dumiretso sa Pines, sumakay nalang ako ng taxi para mas mabilis akong makapunta doon.  Shocks naka complete uniform pa pala ako, ugh, bahala na, ako parin naman si Mia ng Quadro Siblings ng Pines eh. Pagkadating ko doon, binati agad ako nung guard. "Hiiiii!" sabi ko na sobrang energetic. "Oh Mia, ikaw na ba yan? Wow! Ibang-iba ka na ah" sabi niya. "Huh? Anong ibang-iba? Ako parin po ito, si Mia ng Pines City National High School, hindi po magbabago yun." Sagot ko. "Hehe naks naman loyal parin sa pinanggalingan ah" sabi nya. "Syempre naman po." Sabi ko. "O ano kumusta ka naman Mia?" sabi niya. "Uhm eto ayos lang po, mas gusto ko parin dito, nandito yung tunay kong pamilya, kayo" sabi ko. "Awee nakaka touch naman yan Mia, mabait ka parin kahit na nasa private school ka na" sabi niya. Ngumiti lang ako. Haay sana ganun din ang nakikita ni Linus sa akin. "O siya Mia, pasok ka muna, malapit na ang break ng mga kaibigan mo" sabi nung guard. "Sige po" sabi ko sabay pumasok na ako at hinintay ko sila sa may canteen, kung saan madalas kami pumwesto nila Athena noon. Tinitignan ako nung nasa store, bakit ganun, total stranger ang dating ko sa kanila. Ahaist. Nginitian ko nalang sila. After 5 minutes, nagsilabasan na yung mga estudyante, lunch break na nila. Nung nakita kong paparating na sila Athena, tumayo agad ako, wala akong pakialam kung iba uniform ko. Nakasunod sa kanila sila Linus at Jonathan. Grabe tinitignan ko palang sila sa malayo naiiyak na ako sa sobrang pagka miss sa kanila. Haay. Nung nakita ako ni Athena, sumigaw agad siya, syempre maraming nagulat. "OMG!!! Mia!!! Sis!!! You're here!" sigaw niya sabay takbo sa akin at niyakap ako. Natulala si Linus sakin. Di ko na napigilan yung luha ko. "Na miss ko kayong lahat dito sis" sabi ko habang nakayakap nang mahigpit kay Athena, lumapit din sila Carlos at Bobby at niyakap ako. "Sobrang miss na miss ka na din namin sis" sabi ni Athena. "Mia!!! OMG!!!" sigaw din ni Jonathan na papalapit sa akin, baliw toh late reaction eh kanina pa niya ko nakita, lol. "Oh hi turtle face" sabi ko. "Tsk sige mang asar ka pa na miss mo naman ako eh" sabi niya. "Haha ikaw lang?? Syempre lahat kayo noh" sabi ko. "Tama yan dude!" sabi niya sabay nakipag bump fist siya sa akin. Lumingon ako kay Linus na nakatayo sa likod ni Jonathan. Nginitian ko siya, nginitian niya din ako. "Uhm ... Hi Linus. Sorry huh ang pangit ng damit ko ngayon, hindi ako nakapag palit, pero dibaleh sa susunod na dalaw ko dito hindi na ganito yung suot ko, uhm..." habang nagsasalita ako, nilapitan ako ni Linus at niyakap, napatigil tuloy ako. "I love you Mia ko" sabi niya. Ang bilis nanaman bigla ng heart beat ko. "I love you most Linus, always" sabi ko. "Ayiiiee" sabi nila Athena lalo na si Jonathan, as always. "Tara upo na tayo" sabi ni Linus. Umupo na kaming anim sa long table. Habang kumakain kami, ang daming estudyanteng tumitingin sa akin, ugh I hate it, makatingin sila sakin para talaga akong stranger, haay. Inakbayan ako bigla ni Linus. "Okay lang yan mahal ko" sabi niya. Ngumiti nalang ako. "Sis kwento ka naman about sa life mo doon sa Brent" sabi ni Athena. Haay ayokong pag usapan yung private school ko tsk. "Uhm, really now?" sabi ko. "Why not?" sabi niya. Tinignan ko si Linus. Ngumiti lang siya. "O Mia, kwento ka naman, it's okay" sabi niya. "Uhm.. wala namang interesting about doon sa private school ko eh, actually ang boring, ang daming rules, kelangan palaging complete uniform, kelangan English speaking, may foreign language pa, tapos panay koreano pa" sabi ko. "Hanep buti nabuhay ka doon Mia" sabi ni Jonathan. "Actually bit by bit I'm slowly dying" sabi ko. "Naks ang DEEP! Umi-english ka na ngayon huh, hehe" sabi niya. "Hindi naman, slight lang, hehe" sabi ko. "Maraming gwapo sis?" tanong ni Athena. "Hon naman" sabi ni Carlos. "O bakit?" sabi ni Athena. "Mga gwapo talaga ang tanong mo?" sabi ni Carlos. "Uyy selos ang Honey ko, syempre ikaw lang ang pinaka gwapo para sa akin noh" sabi ni Athena. Then hinalikan nila ang isa't-isa. "Landi mo sis, walang gwapo sa Brent, panay mga singkit at kano ang mga nandoon" sabi ko. "O panay singkit at kano naman pala Honey eh, walang pinoy-espanyol na katulad ko, wala silang panama sa akin sa itsura" sabi ni Carlos. "Oo na Honey, wag ka nang mag tampo" sabi ni Athena. Tumawa lang ako. "Ikaw Bobby? Nakahanap ka na ba ng prinsesa mo?" tanong ko. "Uhm, hindi pa bhe, pero may nililigawan ako sa kabilang section, si Monique, transferee galing Japan" sabi niya sabay tingin sa kabilang table. Tumingin din ako, may isang babae doon na mestiza ang dating. "Infairness maganda siya bhe" sabi ko. "Mahiyain ngalang siya, sobra, kaya hindi niya ako sinasagot, nahihiya daw siya kasi baka pag usapan siya ng iba dahil nakipag relasyon siya sa isa sa mga quadro siblings" sabi niya. Nilingon ko yung babae sabay tumayo ako para lapitan siya. Hinila ako bigla ni Bobby. "Anong gagawin mo Mia?" sabi niya. "Makikipag kilala ako sa kanya tapos kakausapin ko siya at sasabihin kong wala siyang dapat ikahiya." Sabi ko. "Pero bhe sobrang mahiyain yan, baka lalo niya akong hindi sagutin" sabi niya. "Don't worry bhe, trust me, parang di mo naman ako kilala" sabi ko. "Uhm, sige na nga, pero makipag kilala ka muna ha, tsaka be soft, tsaka..." "shshsh!" sabi ko habang nagsasalita siya sabay lumapit ako doon sa girl. Tumingin sa akin si Monique. Nginitian ko siya. "Hi, I'm Mia" sabi ko sabay abot ng kamay sa kanya. Tumayo siya at inabot niya din yung kamay niya, halatang mahiyain nga. "Uhm, I'm Monique." Sabi niya. "Kumusta ka naman?" sabī ko. "Uhm, ayos lang naman, uhm, ikaw?" sabi niya. "Okay lang din naman, ako nga pala yung isa sa mga quadro siblings, dati din ako dito, never ngalang tayo naging mag kaklase, ayon kay Bobby transferee ka din" sabi ko. "Uhm, oo, hehe, ikaw pala yung sinasabi sa akin ni Bobby na lumipat sa private school, sobrang ganda mo pala talaga" sabi niya. "Hehe thanks, yup, ako nga, ako yung baliw nilang kapatid, hehehe, and I'm so glad to meet you, uhmm, nililigawan ka pala ng bestfriend ko?" sabi ko. "psst! Be soft!" malakas na bulong sa akin ni Bobby sa malayo. Namutla bigla si Monique at yumuko. Nakangiti lang ako sa kanya. "It's okay Monique, wag kang mahiya, wala ka dapat ikahiya, maganda ka naman tsaka mabait despite na nanggaling ka sa ibang bansa, hindi ka mayabang, and you're such a high quality lady" sabi ko. Ngumiti lang siya. "Uhm talaga, thank you" mahinhin niyang sagot. "Tsaka si Bobby, never pang nagkaroon yan ng gustong seryosohin na babae, ikaw palang, kilala ko yan, we've been friends since first year, and ngayon ko lang nakita yung dedication niyang mag seryoso sa isang babae, napaka swerte mo Monique, at ang swerte niya din kapag ikaw ang naging girlfriend niya" sabi ko. Ngumiti lang ulit siya.  "Kawaii ne" sabi ko. "Wow, arigato, doyo ni" sabi niya. Ngumiti lang din ako then hinawakan ko yung kamay niya then pinalapit ko siya kay Bobby. Halatang hiyang-hiya yung mukha ni Bobby. "Bobby, ano na?  Andito na si Monique oh, ako pa ba ang manliligaw sa kanya para sayo?" sabi ko. "Mas maigi iwan muna natin silang dalawa sis" sabi ni Athena. "Mabuti pa nga, lipat muna kami sa kabilang table Monique, Bobby it's your chance, don't waste it" sabi ko then lumipat na kami sa kabila.


Bobby's POV:


          Grabe hindi ko alam ang sasabihin ko, Mia talaga, masyadong stubborn. Tinitignan lang ako ni Monique, nako chance ko na toh. "Uhm...ahem, uhm, Monique, pag pasensyahan mo na si Mia huh, ganon lang talaga yun" sabi ko. "Naku okay lang noh, ang bait niya nga eh, siya pala yung isa sa grupo niyo, sobrang ganda niya" sabi ni Monique. "Ah hehe, oo nga eh, parang ikaw lang" sabi ko nalang. Nginitian niya lang ako. Tsk ano ba Bobby chance mo na toh wag maging torpe kalaki-laki mong tao. Ahe. "Uhm, so, Monique, pwede ba kitang maging girlfriend, ngayon na alam mo nang wala ka talagang dapat ikahiya?" sabi ko. Ngumiti lang ulit sya. Hinawakan ko yung kamay niya. "Monique, I promise kapag naging tayo, hinding-hindi kita lolokohin." Sabi ko. Whoo! Lumuhod ako sa harap niya "Monique, will you be my girlfriend?" sabi ko. "Naku Bobby bakit ka naman nakaluhod jan tumayo ka nga nakakahiya" sabi niya. "Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ko nalalaman ang sagot mo" sabi ko. "Yes Bobby" sabi niya. "What do you mean yes? Yes as in sinasagot mo na ako? Tayo na?" tanong ko. "Oo naman" sabi niya. "WOOHOO!" napahiyaw ako ng malakas sa tuwa. Biglang tumingin sa amin yung mga tao sa ibang tables. "Uy! Ang ingay mo naman!" sabi niya. "I love you Monique!" sabi ko. "I love you too Bobby" sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako. YES!! YES!! YES!! =^____^=

My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon