Mia's POV:
Makalipas ang ilang buwan, tuluyan nang nawala yung contacts ko kila Athena at kay Linus, masyado akong naging busy sa bago kong buhay sa private at sa mga bago kong kaibigan. Dumating na din yung araw ng Junior Prom namin. Habang nagpa practice kami ng sayaw, naalala ko bigla yung mga sayaw noong second year. Bigla kong naalala si Linus. Kumusta na kaya siya? Wala pa kaya siyang nagiging bagong girlfriend? Hindi pa kaya niya ako nakakalimutan? Haay sana wala. Sino kaya partner niya sa junior prom nila? Matagal na din kasi nung lumipat na sila ng tirahan, sobrang layo na sa Brent, nakatira na sila ngayon sa Suello Village. Haay. Bukas na yung prom kaya kelangan ko nang maghanda. Kinagabihan, inaayos ko yung gown ko para bukas then humarap ako sa salamin. "Linus, sana hindi mo pa ako nakakalimutan despite sa tagal na nating hindi nagkita at nagkasama, ikaw parin yung lalaking mahal na mahal ko" sabi ko sa harap nung salamin.
Linus' POV:
Malapit na ang junior prom. Sino kayang partner ko? Haay, sana nandito si Mia, miss na miss ko na siya, ang tagal na ulit naming hindi nagkita. Kumusta kaya ang prom nila? Malamang maraming gwapo at mayamang lalaki ang nangliligaw sa kanya doon... Haaaaay. Naalala ko yung first practice kanina...
Flashback 3 Hours ago:
Habang namimili sila ng partner nila, nakaupo lang ako sa gilid nang bigla akong nilapitan ni Vanessa. "Linus, sinong partner mo?" tanong niya. "Uhmm, wala pa nga eh, sana nandito si Mia ko" sabi ko. "Haay nako, buti nalang nga at wala na siya dito eh, kundi siya nanaman ang partner mo, siya nalang palagi" sabi niya. "Malamang girlfriend ko siya" sabi ko. "Linus... Ang tagal tagal niyo nang hindi nagkikita, hindi mo ba naiisip? Nasa private school siya, nasa public ka lang, for sure may iba na siyang nakilala doon na mas bägay sa kanya" sabi niya. Haay, may point si Vanessa, maganda at mayaman si Mia, may mga lalaki doon na nasa level niya din. Haay. "Bakit ko naman iisipin yun? Eh mabait na tao si Mia, hindi niya gagawin yun sa akin" sabi ko. Then hinawakan niya bigla yung kamay ko. "Linus, pwede bang ako nalang ang partner mo?...sa prom, since wala naman si Mia" sabi niya. "Uhm sige, wala namang masama" sabi ko then ngumiti siya, then pumunta na kami sa hall.
Vanessa's POV:
Simula na toh ng bag bawi ko kay Linus. Sa prom sisiguraduhin kong sobrang ganda at seductive ng itsura ko, para kay Linus. Pagpa planuhan ko na din kung paano ko siya magagawang mahulog sa akin.
Mia's POV:
Kinabukasan, pumunta na kami ng mga friends ko sa salon para magpaayos. Then pumunta na kami sa Manor Hotel. Nag simula na yung prom. Koreano nalang yung pinili kong kapartner para kapag tinanong ako ni Linus eh hindi siya magseselos. Habang sumasayaw kami, iniimagine ko nalang na si Linus yung kasayaw ko. Then pagkatapos nung sayaw, kumain na kami then biglang nag play yung ''Kiss me'' by sixpence. Waaaaah! Miss na miss na miss ko na talaga sila! Huhu. It's been 2 months nung huling dalaw ko sa Pines nun. Pagkatapos nung prom, nagsiuwian na kami, haay. Lumipas ulit ang apat buwan, wala parin akong nagiging oras para dumalaw sa Pines, anu ba yan, araw na din ng exams namin. Biglang nag announce yung school pagkatapos nung exam, wala daw kaming pasok bukas kasi may meeting lahat ng instructors. YES!! Makakadalaw na ulit ako sa Pines! Makikita ko na ulit yung mga kaibigan ko at yung mahal ko. I'm so excited!
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...