Mia's POV:
Pinuntahan na ako nila Athena at exactly 10 AM para makapag prepare, kasama din nila si Jenn. Sa bahay na kami nagpaayos, nagpatawag nalang kami ng mga make-up artist. Inabot kami ng 8 hours sa pagpapaayos, foot spa, pedicure and manicure, then hair and whole body make-up. Natapos na kami ng 7 PM then pumunta na kami kila Ivan kung saan nandoon na sila Marcelo, Carlos, Ivan, at sa never kong alam na andun din pala si LINUS FONTANILLA, tinatago lang nila sa isang room, binigyan nila siya ng access video sa lugar kung saan ako mag aannounce about sa amin ni Ivan at Jenn. Hmp! "O girls good thing andito na kayo" sabi ni Marcelo then natulala si Ivan kay Jenn, super ganda niya kasi that time, kumikislap na diyosa ang dating. "Wow" sabi ni Ivan kay Jenn "you look perfect" dagdag pa niya. "Haay nako ayan ka nanaman, si Mia nga ang tignan mo wag ako! Ikakasal ka na eh" sabi ni Jenn then humarap siya sa akin "O Mia, paano ba yan, ikakasal ka na sa best friend ko, iingatan niyo ang isa't-isa huh? Sana maging masaya ka forever sa kanya" sabi niya sakin habang inaabot yung kamay ko sa kamay ni Ivan. "Uhmm, oo naman Jenn, sisiguraduhin ko yan" sabi ko nalang ng nakangiti then we hugged each other, then pumasok na kami sa loob, dumiretso na kami sa may garden kung saan nakikita na kami sa video na hawak ni Linus.
Linus POV:
Pinag stay ako nila Ivan sa may Security area, kung saan nandoon yung screen na nakikita yung view sa garden nila. Then nakita ko sila Ivan, Carlos, Marcelo, at Athena, may kasama silang dalawa pang babae, yung isa nakaputi, ang ganda niya, siya siguro yung Jenn na sinasabi ni Ivan. Tapos yung isa nakapula, hmm, whoa, si Mia! Natulala lang ako. Grabe ... Ibang-iba na siya ngayon, tama yung hinala ko, mas lalo siyang gumanda ngayon, haaaaaaaay. Para siyang isang napakagandang rosas, siya parin yung pinaka maganda sa lahat. Naluha ako sa tuwa dahil nakita ko na ulit ang aking prinsesa.
Mia's POV:
Pagkapasok namin, nagsimula na yung party, nakahawak lang ako sa braso ni Ivan. Ang daming bisita ang bumabati sa aming dalawa. Hala, nakakakaba naman, whew my Lord give me some guidance for what I'm gonna do later, I know hindi po kami ni Ivan ang para sa isa't-isa. Then biglang nagsalita si tita Martia "Good Evening everybody, thank you so much for attending tonight's wonderful event to witness the engagement party of my son Ivan Montecillo and his fiancé Amilia Channelle Montez, soon to be Mrs. Montecillo, let's all give them a toast" sabi niya then lahat sila nag race ng champagne glass nila, nandoon din yung mom and dad ko. Tinitignan ko lang sila with nervous eyes, pero sinusubukan ko paring ngumiti. Grabe kinakabahan na talaga ako, sobrang bilis ng heartbeat ko ngayon!
Jenn's POV:
"Ang ganda ni Mia noh?" sabi ko kay tito. "Mas maganda ka naman noh! Hmp!" sabi ni tito. Ngumiti nalang ako. "Haay nako buti at nakukuha mo pang ngumiti-ngiti diyan habang nakikitang ikakasal yung dapat na sayo sa iba!" sabi niya. Napayuko lang ako. Alam kong masakit pero kelangan ko na ding maging masaya para kay Ivan, yung lalaking mahal ko. Haay.
Mia's POV:
"Ivan son, do you have any words to say?" tanong ni tita Martia kay Ivan. "Uhmm, I just wanna tell everyone here how happy and thankful I am to have Mia with me, she's the most wonderful and amazing girl I've ever met" sabi ni Ivan then nagpalakpakan lahat yung mga guest. "That's good to know Ivan, now let's hear from our dear Mia" sabi ni tita. Hala! Eto na! OMG mahihimatay ata ako whew! Tinitignan ko lang si tita. "Mia?" sabi niya ng nakangiti. "Uhmm, ahem .. uhmm, everyone, thank you for being here with us tonight, I fully appreciate that, uhmm, tita Martia, tito George, thank you so much for all the unconditional kindness you've given me ever since we met, and I don't know how would I thank you for all of that, you are two of the most amazing people in this world, aside from my mom and dad, and my best friends. But... I just wanna tell you something very, very important tonight. You may tell me later that this is not the right time to say this, but I hope later you would also understand not only me, but Ivan and my friends as well" sabi ko then tumingin ako sa lahat, super kinakabahan talaga ako, grabe sobrang lamig na ng mga kamay ko, then hinawakan nalang ni Ivan yung kamay ko. Tinitigan ko lang si Ivan, then nginitian niya ako. "What's that Mia?" sabi ni tita Martia. Tinignan ko ulit si Ivan, then nag nod lang siya habang nakangiti, whew. Nag deep breath nalang muna ako sabay harap kay tita at sa mga guests. "Tita Martia, tito George, Mom, dad, and everyone who's here tonight, I am very, very sorry to say this ... but ... but ikinalulungkot ko pong ipaalam sa lahat, that me and Ivan are no longer together" sabi ko then nagulat as in talaga lahat, lalong lalo na si Jenn. "What??" sabi ng karamihan, "Impossible, how can that happen?" sabi naman ng iba, "is she serious?" "Is she out of her mind?" sabi din ng iba pa. Oh my Lord tama po ba itong ginagawa ko? Huhu... Gusto ko nang mag walk out, pero hindi pwede, this isn't the best time to be weak Mia. "Iha ... Are you okay? What do you mean?" sabi ni tita Martia ng mahinahon. "I don't wanna disappoint everyone here, but this is the right thing to do. Ever since Ivan suffered from amnesia, sa hindi natin inaasahang lahat, nawala na rin po lahat ng nararamdaman sa akin ni Ivan, napunta na ito sa isang napaka special na isang babae. Sinubukan niyang ibalik at alalahanin lahat ng nararamdaman niya para sa akin pero wala talaga, hindi niya kaya. Sa una nasaktan ako, hindi ko matanggap, hindi ko din maintindihan... pero I just realized na walang magandang maidudulot kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa lalaking hindi na ako mahal, at ang gusto ko, na alam kong gusto din ng lahat, ay ang maging masaya si Ivan, ang hindi ipagdamot ang freedom at karapatan niyang mag desisyon para sa sarili upang maging masaya. Ako, palagi naman akong masaya eh, lalong-lalo na kung alam kong masaya si Ivan, masaya na din ako, mas lalo ko lang ikalulungkot kapag nakita kong hindi siya masaya, wag po sana kayong magalit sa amin, I hope you understand us" sabi ko. Natahimik lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...