Part 2: Meet Mr. Perfect <3
After 2 Years...
Mia's POV:
Lumipas ang dalawang taon hanggang sa gumraduate na nga ako ng high school. Salutatorian ako ng Brent School. Iniwan at kinalimutan ko na ang lahat ng ala-ala ko sa Pines, at ako'y nagkaroon na din ng mga bagong boyfriend pero never na ngalang naging seryoso kelan man, back to my old self. Bully, self-centered, selfish, at bitter. Pumasok ako ng college sa University of Baguio with my course of MASSCOM. Natuto akong mag model dahil isinali ako ng mga kaibigan ko sa isang modelling agency ng UB. Naging super saya ng buhay ko sa UB, I got a lot of new friends, and dala-dala ko yung ugali ko sa Brent. Never ko na ding nakita si Linus, simula noon, wala na akong balita sa kanya, ni hindi ko na nga alam kung nasaan na siya ngayon eh, but who cares anyway? Baka ikinasal na sila nung kabit niya, ahe.
Isang araw, habang kami ay nagpa practice ng catwalk nung dismissal, may bagong member na babae, ang ganda niya sobra, matangkad at super slim, mestiza pa ang itsura. Nilapitan ko siya. "Hi!" sabi ko sa kanya. Nung tinignan niya ako, nagulat siya and natulala sa akin. "Uhmm HI?" sabi ko ulit. "Mia??" sabi niya bigla. "Uhmm, yes ako nga si Mia" sabi ko. "OMG!! Mia!! Sis!!" sabi niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. Sino toh?? "Sis! Ako toh! Si Athena!" sabi niya. What?? Athena?? OMG! Napasigaw din ako then niyakap ko din siya nang mahigpit "OMG!!! Sis!! Ikaw na yan??" sabi ko na tuwang-tuwa. "Oo sis! OMG na miss kita sobra!" sabi niya then yakap ulit sa akin. "Mas na miss naman kita ah ang ganda ganda ganda mo na! Hindi kita nakilala" sabi ko. "Uy grabe ka naman sis dati pa naman ako maganda noh" sabi niya. "Hahahaha of course!" sabi ko. "O ano kumusta ka na? Grabe ang tagal nating hindi nagkita huh, since high school!" sabi niya. HIGH SCHOOL. Nag echo bigla sa utak ko yung word na yun. MEMORIES. -_- "Uhmm, oo nga eh, sorry huh?" sabi ko. "Grabe sis dumalaw ka daw noon pero umalis ka agad ni hindi mo manlang kami inantay o dinalaw manlang ulit!" sabi niya. Natahimik lang ako. "Don't worry sis, alam namin kung bakit" sabi niya ulit. "Oh talaga? Hehe, thanks kay manong guard" sabi ko. "Haay nako sis, hayaan na natin yun, wala na yun!" sabi ni Athena. "Kaya nga eh, tsaka moved on na ko matagal na noh, never ko na ngang hinarap si Linus magmula noon eh" sabi ko. "Ay oh? Hahaha kaya pala stressed na stressed siya lagi noon hahaha dapat lang sa kanya yun!" sabi ni Athena. "Haha, true, pero kumusta siya?" sabi ko. "Ay nako sobrang matatawa ka kapag kinwento ko sayo yung ginawa namin nila Bobby at Carlos sa kanila ni Vanessa" sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Bully, My Love Part 2 (You and I Forever)
RomancePrologue This is a continuation of my first story. Of course the second part is full of twists, and it is way longer than the first part; new characters, new places, and new chances. Technically this Episode 2 of the story was divided into 3 parts...